Cointelegraph
Vince Quill
Isinulat ni Vince Quill,Manunulat ng Kawani
Ana Paula Pereira
Sinuri ni Ana Paula Pereira,Editor ng Kawani

CZ, nagulat sa pagkaka-pardon; itinanggi ang ugnayan sa pamilyang Trump

Pinabulaanan ni CZ, ang co-founder ng Binance, ang mga akusasyon na ang kanyang pardon ay udyok ng malapit na ugnayan o mga business deal sa pamilyang Trump.

CZ, nagulat sa pagkaka-pardon; itinanggi ang ugnayan sa pamilyang Trump
Balita

Sinabi ni CZ, ang co-founder ng Binance, na medyo nagulat siya nang makatanggap ng pardon mula kay Pangulong Trump ng United States, at itinanggi rin niya na mayroon siyang ugnayang pang-negosyo sa pamilyang Trump sa isang panayam.

Sinabi ni CZ sa Fox News na kailanman ay hindi niya personal na nakatagpo o nakausap si Trump bago o matapos makatanggap ng presidential pardon noong Oktubre. Minsan pa lamang daw niyang nakatagpo ang anak ni Trump na si Eric sa Bitcoin Middle East and North Africa conference sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.

“Walang ugnayang pang-negosyo sa pagitan ko, ng Binance, at ng World Liberty Finance,” ani CZ. Idinagdag pa niya na wala siyang alam sa status ng kanyang pardon habang nasa proseso pa ito:

“Hindi ko alam kung kailan o kung mangyayari nga ba ito. Sa pagkakaalam ko, isinumite ng aking mga abogado ang petisyon noong Abril, at inabot ito ng ilang buwan. Hindi ko alam ang takbo nito. Walang anumang pahiwatig kung gaano na ito kalayo, at iba pa. Pagkatapos, nangyari na lang ito isang araw.”
Changpeng Zhao, US Government, United States, Donald Trump
Pinabulaanan ni Binance co-founder CZ ang mga alegasyon na ang kanyang pardon ay udyok ng pera. Source: Fox News

Nagdulot ng iba’t ibang reaksyon ang nasabing pardon. Ipinagdiwang ito ng crypto community bilang tagumpay para sa industriya at pagbaligtad sa mga polisiya ng administrasyong Biden na laban sa crypto. Sa kabilang banda, bumatikos naman ang mga mambabatas mula sa Democratic party at inakusahan si Trump ng politikal na korapsyon.

Nagdulot ng kontrobersya at mga akusasyon ng pay-to-play ang pardon ni CZ

Sa isang press conference matapos ang pardon, sinabi ni Trump na hindi niya personal na kilala CZ, ngunit napayuhan siya na ang kaso laban dito ay may halong politika.

“Marami siyang suporta, at sinabi nila na ang ginawa niya ay hindi man lang isang krimen, hindi iyon krimen. Siya ay pinag-initan ng administrasyong Biden,” ani Trump.

Inakusahan naman ni Democratic Rep. Maxine Waters si Trump ng pagpasok sa isang “pay-to-play” na kasunduan, kung saan binigyan di umano ng pardon si CZ kapalit ng mga investment sa crypto sa mga proyekto at platform na konektado sa pamilyang Trump, kabilang ang World Liberty Financial (WLFI).

Changpeng Zhao, US Government, United States, Donald Trump
Isang liham mula sa mga mambabatas ng Democratic party na sumusuri sa naging pardon. Source: US Senate

Ang mga alegasyong ito ay nagtulak sa ilang mambabatas ng Democratic party, kabilang sina Senator Elizabeth Warren ng Massachusetts at Senator Bernie Sanders ng Vermont, na sumulat ng isang bukas na liham para kay Attorney General Pam Bondi upang busisiin si Trump at ang nasabing pardon.

Ang Cointelegraph ay nakatuon sa independiyente at transparent na pamamahayag. Ang artikulong balita na ito ay ginawa alinsunod sa Patakarang Editoryal ng Cointelegraph at naglalayong magbigay ng tumpak at napapanahong impormasyon. Hinihikayat ang mga mambabasa na i-verify ang impormasyon nang mag-isa. Basahin ang aming Patakarang Editoryal https://ph.cointelegraph.com/editorial-policy