Ibinunyag ni Pavel Durov, co-founder ng messaging app na Telegram, ang isang bagong decentralized AI network na itatayo sa The Open Network (TON), isang independent layer-1 blockchain na konektado sa Telegram.
Sa kanyang pagharap sa Blockchain Life 2025 forum sa Dubai, United Arab Emirates, inanunsyo ni Durov ang Confidential Compute Open Network, o Cocoon. Layunin nitong bigyan ang mga user ng access sa mga AI-driven na feature nang hindi isinasakripisyo ang kanilang data privacy sa mga centralized AI provider.
Ayon kay Durov, maaaring ipagamit ng mga user ang processing power ng kanilang mga graphics processing unit (GPU) sa naturang network, kapalit ng Toncoin (TON), ang native token ng TON. Binigyang-diin din ni Durov kung bakit mahalaga ang decentralized AI para sa kalayaan ng tao:
“Bakit mahalagang gawin ito sa ganitong paraan sa halip na sa centralized na paraan na kung minsan ay mas madali? Mahalaga ito, mga kaibigan, dahil ang mundo ay patungo sa isang kakaibang direksyon. Sa nakalipas na 20 na taon, unti-unti naring nawawala ang ating mga digital freedom.”
Ang pag-decentralize ng mga AI model ay naging isang mainit na paksa sa mga AI at blockchain developer dahil sa mga panganib sa privacy at sa posibilidad na i-censor o baluktutin ng mga centralized service provider ang mahahalagang impormasyon sa real-time, nang hindi namamalayan ng mga user.
Kaugnay: Durov ng telegram: 'nauubusan na tayo ng oras para iligtas ang free internet'
Ang mga kahinaan ng centralized AI ay nagpapakita ng potensyal ng blockchain
Ang pag-centralize ng artificial intelligence ay nagdudulot ng panganib sa data privacy ng mga user, kabilang na ang banta ng data breaches at hacking, ayon sa ilang mga executive mula sa crypto at Web3 industry.
Ang pag-iimbak ng napakalaking volume ng data ng mga user sa mga centralized server ay ginagawa itong "attractive target" para sa mga hacker, ayon sa pahayag ni David Holtzman, chief strategy officer ng Naoris decentralized security protocol, sa Cointelegraph.
Nagbabala ang ilang industry executive na ang mga centralized AI service provider ay maaaring palihim na baguhin ang kanilang mga algorithm o baluktutin ang mahahalagang data sa real-time upang manipulahin ang opinyon ng publiko.
Malaki ang maitutulong ng blockchain technology upang masigurong hindi napapakialaman ang data na inilalabas ng AI. Sa pamamagitan ng isang decentralized ledger, mairerecord ang pinagmulan at ang buong proseso ng paghawak sa datos, na lilikha ng isang immutable at mapapatunayang digital record onchain.
