Ang social media platform na X ay maglalabas ng isang bagong Handles Marketplace na nagpapahintulot sa mga user na mag-bid sa mga hindi aktibong username. Ang hakbang na ito ay maaaring magpabago sa kung paano binibigyang halaga ang digital identity at online branding.
Kasalukuyang nasa beta pa lamang, pinapayagan ng marketplace ang mga user na sumali sa waitlist para sa mga paparating na handle drop event, humiling ng mga handle sa pamamagitan ng kanilang mga Premium subscription, at mag-browse sa mga eligible na hindi aktibong account. Inilarawan ito ng kompanya bilang isang "solusyon upang muling ipamahagi ang mga handle na hindi na ginagamit," na available lamang sa mga paying subscriber.
Ayon sa TechCrunch, ang mga bihirang handle ay maaaring mabenta sa halagang mula $2,500 hanggang higit sa $1 milyon, depende sa kanilang kasikatan, haba ng karakter, at cultural relevance. Ang mga Premium+ subscriber ay maaaring magsumite ng libreng hiling para sa mga "priority handles," habang ang iba ay maaaring direktang bumili ng mga "bihirang" handle.
Ang inisyatibong ito ay ginagawa habang patuloy na naghahanap ang X ng mga bagong mapagkukunan ng kita bukod sa advertising. Ginagamit din nito ang lumalaking marrket para sa mga Web3 asset, kung saan ang mga digital identifier, tulad ng domain name o maiikling username, ay itinuturing na mga porma ng online real estate na may tunay na halaga sa market.
Ayon sa mga industry tracker, ang X ay may tinatayang 557 milyong active user hanggang sa unang bahagi ng 2025, bagama't hindi inihayag ng kompanya kung gaano karaming hindi aktibong account ang umiiral o kung gaano karaming handle ang maaaring gawing available sa pamamagitan ng marketplace.
Gayunpaman, binibigyang-diin ng paglulunsad na ito ang isang mas malawak na pagbabago sa kung paano mini-monetize ang social media identity, kung saan ang mga username mismo ay lumalabas na ngayon bilang mga status symbol at posibleng investment asset.
X at ang paglitaw ng mga Web3 social identity
Sa gitna ng patuloy na debate tungkol sa digital identity, ang mga sistema ng pagpapangalan na nakabatay sa blockchain ay lumalabas bilang isang popular na use case. Ang mga decentralized domain service tulad ng Ethereum Name Service (ENS) at mga Unstoppable Domain ay nagpapahintulot sa mga user na magrehistro ng mga pangalan na madaling basahin na direktang nakakabit sa kanilang mga crypto wallet. Pinapalitan nito ang mahahaba at kumplikadong wallet address ng simpleng mga identifier.
Ang mga sistemang ito ay nagbibigay sa mga user ng mas matibay na pakiramdam ng pagmamay-ari sa kanilang mga online identity, isang ideya na sumasalamin sa hangarin para sa digital self-sovereignty sa buong Web3.
Bagama't ang bagong Handle Marketplace ng X ay hindi gumagamit ng decentralized approach, umaasa ito sa magkatulad na tema ng digital identity bilang isang asset. Matagal nang naging hub ang platform para sa crypto at blockchain community, na ginagawang natural na intersection ang X sa pagitan ng tradisyonal na social media at ng umuusbong na mga Web3 identity trend.
Gaya ng iniulat kamakailan ng Cointelegraph, nagsilbi rin ang X bilang isang platform para sa mga activist investor, kabilang ang isa na gumamit ng site upang itaguyod ang pagbabago sa tokenomics ng Polygon, isang panukala na sa huli ay nakatanggap ng paborableng tugon mula sa komunidad.
