Ang Ether (ETH), ang native token ng Ethereum, ay posibleng tumaas nang 75% laban sa Bitcoin (BTC) pagsapit ng bagong taon, batay sa isang bullish reversal setup na nagpapakita ng paglago sa weekly chart nito.

Maraming senyales ang nagpapahiwatig na tataas pa ang presyo ng ETH

Ang ETH/BTC pair ay bumubuo ng tila isang inverse-head-and-shoulders (IH&S) pattern simula pa noong unang bahagi ng Setyembre.

Ito ay pinatunayan ng pagkakabuo ng tatlong trough, kung saan ang gitnang bahagi ang pinakamalalim, na nasa ilalim ng isang karaniwang neckline resistance sa 0.0420 BTC.

Ang weekly chart ng ETH/BTC. Source: TradingView

Sa teknikal na pananaw, ang isang IH&S setup ay masasabing nakumpleto kapag ang presyo ay pumutok sa itaas ng neckline at tumaas nang katumbas ng pinakamataas na sukat ng pattern.

Kapag inilapat ang teknikal na patakarang ito sa chart ng ETH/BTC, ang target nitong pagtaas bago matapos ang taon ay aabot sa 0.066 BTC, o humigit-kumulang 75% na mas mataas kaysa sa kasalukuyang presyo.

Karagdagang bullish signal pa ang nakikita sa nalalapit na pagbuo ng isang golden cross sa pagitan ng 20-linggong exponential moving average (20-week EMA; ang berdeng wave) at 50-linggong EMA (ang pulang wave) ng Ethereum.

Ang weekly chart ng ETH/BTC. Source: TradingView

Ang isang katulad na crossover noong Hulyo 2020 ay sinundan ng 250% na paglago sa presyo ng ETH/BTC, bagama’t nagkaroon muna ito ng kaunting overbought correction.

Sa pagkakataong ito, ang pagbaba sa support zone ng 0.033–0.045 BTC — na pumapatong sa 20- at 50-linggong EMA — ay maaaring magsilbing springboard para sa katulad na pag-akyat. Ito ang tuluyang magkukumpirma sa breakout scenario ng IH&S pattern.

Mga pangunahing resistance na dapat abangan sa ETH/BTC

Gayunpaman, ang ETH/BTC ay humaharap sa ilang malaking harang bago nito tuluyang makumpirma ang full breakout. Ang una sa mga ito ay ang 200-linggong EMA (asul na line) na nasa paligid ng 0.045 BTC. Ang lebel na ito ay paulit-ulit na tumanggi sa mga pagtatangkang umakyat ng presyo sa nakalipas na dalawang taon.

Ang weekly chart ng ETH/BTC. Source: TradingView

Bukod pa riyan, may mas malaking balakid pa: ang long-term downward trendline na siyang nagtatakda ng mga pinakamataas na presyo ng Ether laban sa Bitcoin simula pa noong 2017.

Malamang na aatakehin ng ETH/BTC pair ang trendline na ito, na kasalukuyang nasa zone ng 0.050–0.055 BTC, kung magagawa ng $ETH/$BTC na mag close sa itaas ng 200-linggong EMA.

Sa alinmang sitwasyon, may potensyal pa rin ang Ether na lumaki nang 15% hanggang 30% kumpara sa Bitcoin sa loob ng taong ito.

Ang artikulong ito ay hindi naglalaman ng payo o rekomendasyon sa pamumuhunan. Ang bawat pamumuhunan at paggalaw sa pangangalakal ay may kaakibat na panganib. Kaya naman, dapat magsagawa ang mga mambabasa ng sarili nilang pagsasaliksik bago magdesisyon.