Sa wakas, sinagot na ng co-founder ng Ethereum na si Vitalik Buterin ang mga pangamba tungkol sa humahabang Ethereum staking exit queue, na umabot na sa 45 na araw.

Nagbigay siya ng sagot matapos tawagin ni Michael Marcantonio, ang head of DeFi ng Galaxy Digital, na "nakababahala" ang tagal ng exit queue sa X, at ikinumpara pa ito sa Solana na dalawang araw lang ang kailangan para makapag-unstake. Binura na ni Marcantonio ang kanyang mga post pagkatapos nito.

“Malabo kung paanong ang isang network na inabot ng 45 na araw bago ibalik ang mga asset ay magiging angkop na kandidato para magpatakbo ng susunod na yugto ng global capital markets.”
Binurang Post mula sa DeFi Head ng Galaxy Digital. Source: Etc.

Gayunpaman, tila mas ideological ang naging paninindigan ni Buterin sa isyu, kung saan inilarawan niya ang pag-unstake sa Ethereum bilang mas katulad ng isang sundalo na nagpasya nang umalis sa hukbo, at idinagdag na ang staking ay tungkol sa pagkuha ng isang taimtim na tungkulin para depensahan ang chain.

“Bahagi na ng usapan ang hirap sa pag-alis. Hindi mananatiling matatag ang isang hukbo kung ang sinuman sa kanila ay bigla na lang aalis anumang oras.”

Sa pangkalahatan, nananatiling lubhang secure ang network na ito, na mayroon nang mahigit isang milyong active validators at 35.6 milyong ETH na naka-stake, o halos 30% ng buong supply nito.

Gayunpaman, inamin ni Buterin na hindi optimal ang kasalukuyang disenyo ng staking queue. Pero, aniya, ang pagbaba sa mga constant ay magpapababa naman sa tiwala sa chain para sa mga node na hindi madalas online.

Umakyat sa all-time high ang Ethereum exit queue noong nakaraang linggo. Source: ValidatorQueue


Kamakailan lang, bumili ang Galaxy Digital ng Solana (SOL) na nagkakahalaga ng $1.5 bilyon, matapos makipag-partner sa Multicoin Capital at sa trading firm na Jump Crypto para sa isang Solana treasury firm.

Ang Galaxy Digital din ang unang kompanyang Nasdaq-listed na nag-tokenize ng kanilang shares sa Solana.

Laban sa staking FUD

Tila binura ni Marcantonio ang kanyang mga post matapos siyang batikusin ng iba.

Kinontra naman ni Jimmy Ragosa, dating product manager ng Consensys, sina Marcantonio at Galaxy Digital, at sinabing base sa kanyang nalalaman mula sa mga direct messages, ang tanging naabot ng walang-tigil na ETH FUD ay ang pag-reconsider ng karamihan sa mga entity na may vested interest sa Ethereum sa kanilang negosyo sa Galaxy.

Source: Jimmy Ragosa

“Mukhang pinabura ng Galaxy sa kanilang head of DeFi ang lahat ng Ethereum FUD nito,” sabi ni Gabriel Shapiro, isang crypto lawyer, at idinagdag pa na “gumagawa siya ng nakakabaliw na mapanlinlang na psyops.”

“Sa totoo lang, gusto ko sanang hindi na lang binura ang mga post dahil mas lalo lang nitong pinaganda ang image ng Ethereum, technologically at culturally. Pero, hayaan na.”

“Iminumungkahi ko na sa mga tao na huwag nang makipagnegosyo sa Galaxy,” sabi ni Anthony Sassano, isang Ethereum educator, at idinagdag:

“Ang pagbura ng mga tweets ay hindi magpapabago sa katotohanang ang taong iyon ay kanilang Head of DeFi at hindi naiintindihan ang pinaka-basic na konsepto ng industriyang ito, at mas interesado pa sa pag-FUD sa Ethereum kaysa sa totoong sitwasyon.”

Pumanig naman sa Galaxy si Mike Dudas, isang Solana proponent, at sinabing, “Ang mga taong may vested interest sa Ethereum ay kailangang makipagtrabaho sa di-magagandang bankers sa halip na sa Galaxy, na nagpatunay sa Solana na kaya nilang magbigay ng malaking halaga sa mga transaksiyon at makipag-ugnayan sa mas malawak na grupo ng mga stakeholders.”

Tiniyak ng Cointelegraph na makakuha ng komento kina Marcantonio at Galaxy hinggil sa usapin.

Nananatiling maayos ang takbo ng Ethereum ecosystem

Bumaba ang Ethereum exit queue sa nakalipas na ilang araw, ngunit nananatiling mataas sa 2.5 milyong ETH. Gayunpaman, malaking bahagi nito ay nagmula sa Kiln Finance matapos itong ma-exploit.

Kasalukuyan namang may 512,000 ETH sa entry queue, na umabot sa pinakamataas na antas sa loob ng dalawang taon kamakailan dahil sa institutional accumulation.