Nanawagan ang mga mambabatas ng US kay Securities and Exchange Commission Chair Paul Atkins na tulungan silang mapabilis ang executive order na nagpapahintulot sa crypto investments sa mga 401(k) retirement plan ng US.

Sa sulat noong Setyembre 22, sinabi ng siyam na mambabatas, kabilang sina House Financial Services Committee Chairman French Hill at Subcommittee on Capital Markets Chairman Ann Wagner, na hiniling kay Atkins na “magbigay ng agarang tulong” sa Secretary of Labor at gumawa ng anumang kinakailangang pagsasaayos sa kasalukuyan nilang mga regulasyon at gabay.

Binanggit din nila na sa ilalim ng executive order ni President Donald Trump noong Agosto na may titulong “Democratizing Access to Alternative Assets for 401(k) Investors,” inatasan ang SEC na gawing mas madaling maabot ang mga alternative asset tulad ng crypto sa mga retirement plan na pinamamahalaan ng participant, at isinasaalang-alang dito ang mga panuntunan para sa accredited investor at qualified purchaser.

“Umaasa kami na makakatulong ang mga aksyon na ito sa 90 milyong Amerikano na kasalukuyang pinaghihigpitan sa pag-iinvest sa alternative asset upang makasiguro ng isang marangal at kumportableng pagreretiro,” sabi ng siyam na mambabatas.

Source: Cointelegraph

Ang hakbang na ito ay kasunod ng pagbaliktad sa anti-crypto guidance ng Labor Department noong Mayo, na nagbabala sa mga fiduciary na maging labis na maingat sa pagsasama ng crypto sa retirement funds.

“Ang bawat Amerikano na naghahanda para sa pagreretiro ay dapat magkaroon ng access sa pondo na may kasamang investments sa alternative assets kapag natukoy ng relevant plan fiduciary na ang access na ito ay nagbibigay ng angkop na pagkakataon… upang mapahusay ang net risk-adjusted returns,” sabi ng mga mambabatas, na kinabibilangan din nina Frank D. Lucas, Warren Davidson, Marlin Stutzman, Andrew R. Garbarino, Michael V. Lawler, Troy Downing, at Mike Haridopolos.

Maliit na alokasyon, maaaring magpasok ng $100 bilyon sa crypto

Ang pagpapatupad ng EO ni Trump ay magbubukas ng crypto sa $9.3 trilyong US 401(k) retirement market, na magtutulak ng mas malaking pag-agos ng pondo sa mga crypto exchange-traded product at, kasabay nito, ipoposisyon ang crypto bilang isang potensyal na long-term investment strategy.

Kahit ang 1% alokasyon lamang sa crypto sa $9.3 trilyong hawak ng mga 401(k) plan ay maaaring magtulak ng $93 bilyon na pag-agos ng pondo. Ito ay mas malaki kaysa sa $60.6 bilyong halaga ng kapital na pumasok sa spot Bitcoin exchange-traded funds mula nang ilunsad ang mga ito noong Enero 2024.

Ilang public pension frunds, nag-aalok na ng crypto exposure

Patuloy na pinalawak ng State of Michigan Retirement System ang kanilang mga crypto ETF holdings, matapos bumili ng $10.7 milyong halaga ng ARK 21Shares Bitcoin ETF noong ikalawang quarter.

Hawak din nito ang 460,000 shares ng Grayscale Ethereum Trust (ETHE), na may halagang nasa $15.6 milyon.

Gayunpaman, hindi lahat ay nagpanatili ng kanilang holdings. Ibinenta ng State of Wisconsin Investment Board ang mga shares nito sa BlackRock’s iShares Bitcoin Trust ETF noong unang quarter, matapos itong maging isa sa mga unang public pension funds na nag-invest sa mga crypto ETF.