Nakatakdang maglunsad ang United Nations Development Programme ng “Government Blockchain Academy” na magtuturo sa sektor ng gobyerno tungkol sa crypto at iba pang umuusbong na teknolohiya.
Ayon sa ahensiya noong nakaraang Lunes, makikipagtulungan sila sa Exponential Science Foundation, isang non-profit na nagtataguyod ng blockchain at artificial intelligence, upang ilunsad ang academy sa susunod na taon.
“Ang Academy ay magbibigay ng espesyal na edukasyon at mga programa para sa pagpapatupad na gagamit sa blockchain, AI, at iba pang umuusbong na teknolohiya upang matulungan ang mga gobyerno na isulong ang mga pagbabagong magpapaunlad,” ayon sa UNDP.
Ang ahensiya ay may tungkuling tulungan ang mga bansa na makamit ang pangmatagalang pag-unlad ng ekonomiya upang malabanan ang kahirapan. Batay sa ulat ng Chainalysis, kabilang ang mga developing country, tulad ng India, Pakistan, at Vietnam sa mga nangungunang gumamit ng teknolohiya ng crypto ngayong taon.
Magbibigay-gabay ang academy sa mga serbisyo pinansyal, digital ID
Ayon sa UNDP, ang academy ay tututok sa edukasyong ang pangunahing layunin ay magamit ang mga teknolohiyang may kaugnayan sa blockchain para tugunan ang mga kritikal na hamon sa pag-unlad.
Ayon kay Irena Cerovic, isang team leader ng UNDP para sa Europa at Gitnang Asya, layunin ng academy na bigyan ng pagkakataon ang mga bansa na harapin ang masalimuot na mga hamon sa pag-unlad sa mga bagong paraan at lumipat mula sa pag-eeksperimento tungo sa pagpapatupad sa paraang magpapalakas sa transparency, inclusion, at resilience.
Ilan sa mga interes ng ahensiya ay ang paggamit ng teknolohiya upang makalikha ng mapagkakatiwalaan at mapapatunayang mga digital credential na magpapahusay sa pagkuha ng serbisyo, kasabay ng mas pinagandang akses sa serbisyong pinansyal at mga digital payment.
Magtuturo rin ito kung paano gagamitin ang blockchain para sa pagsubaybay at pagtatala sa proseso ng pampublikong procurement, at kung paano gumawa ng record na hindi madaling mabago upang masugpo ang katiwalian. Bukod pa rito, tatalakayin din ang paggamit ng mga token at smart contract para sa climate finance, tulad ng pagsubaybay sa mga carbon credit.
Plano ng UNDP na ilunsad ang blockchain academy sa susunod na taon
Bagama't hindi nagbigay ng tiyak na timeline ang UNDP, sinabi nilang sisimulan ang paglulunsad ng academy sa ilang bansa simula sa 2026, habang ang pagdisenyo naman ng kurikulum ay sisimulan na ngayong taon.
Idinagdag nito na ang programa ay mag-aalok ng pagtuturo nang in-person, online, at sa mga forum, na magbibigay sa mga pamahalaan ng nakabalangkas na suporta na lilikha ng mataas ang epekto na inisyatiba ng blockchain na tutugon sa pambansang prayoridad.
Inilunsad ng ahensiya ang "blockchain academy" noong nakaraang taon
Ang nakaplano raw na government blockchain academy ng ahensiya ay kasunod ng paglulunsad nila ng kaparehong “blockchain academy” na nagsimula noong nakaraang taon.
Nakipagtulungan ang UNDP sa Algorand Foundation noong huling bahagi ng 2023 para sanayin ang 22,000 nilang empleyado tungkol sa blockchain, upang magamit ang mga aral sa pagtulong sa mga bansa para sa sustainable growth.