Naghahanap ang US Commodity Futures Trading Commission ng paraan upang payagan ang mga tokenized asset, kasama na ang stablecoins, na magamit bilang kolateral sa derivatives markets, isang hakbang na sinusuportahan ng mga executive ng crypto.
Ayon kay CFTC acting chair Caroline Pham noong Setyembre 23, "makikipagtulungan nang husto sa mga stakeholders" ang kanyang ahensya para sa naturang plano at humihikayat ng feedback hanggang Oktubre 20 tungkol sa paggamit ng tokenized collateral sa derivatives markets.
“Nagsalita na ang publiko: narito na ang mga tokenized markets, at sila ang kinabukasan. Sa loob ng maraming taon, sinasabi ko na ang collateral management ang ‘killer app’ para sa stablecoins sa mga pamilihan.”
Kung maisasakatuparan, ang mga stablecoin tulad ng USDC (USDC) at Tether (USDT) ay ituturing na katulad ng tradisyonal na kolateral gaya ng pera o US Treasurys sa reguladet na derivatives trading. Nagpasa ang Kongreso ng mga batas mas maaga ngayong taon na nagre-regulate sa stablecoins, na nakikita na ang paglago sa paggamit sa mga institusyon ng pananalapi.
Stablecoin at mga crypto heavyweights, sumusuporta sa hakbang
Ang mga executive ng crypto mula sa mga stablecoin issuers na Circle Internet Group, Tether, Ripple Labs, at mga crypto exchanges na Coinbase at Crypto.com ay nagbigay ng kanilang buong suporta sa hakbang ng CFTC.
Ayon kay Circle president Heath Tarbert, ang GENIUS Act ay "lumilikha ng isang mundo kung saan ang mga payment stablecoins na inilabas ng lisensiyadong kompanyang Amerikano ay maaaring gamiting kolateral sa derivatives at iba pang tradisyonal na financial markets.
Ang paggamit ng mga pinagkakatiwalaang stablecoins tulad ng USDC bilang kolateral ay magpapababa sa gastos, magpapaliit sa peligro, at magbubukas ng liquidity sa lahat ng pandaigdigang market, 24/7/365," dagdag pa ni Tarbert.
Nilagdaan ni US President Donald Trump ang GENIUS Act para maging batas noong Hulyo. Layunin nitong magtatag ng malinaw na panuntunan para sa mga payment stablecoin, ngunit hinihintay pa rin nito ang pangwakas na regulasyon bago ito ipinatupad.
Suportado rin ni Coinbase chief legal officer Paul Grewal ang inisyatiba. Ayon sa kanyang post sa X noong Setyembre 23, "Ang tokenized collateral at stablecoins ay maaaring magbukas sa mga US derivatives market at maglagay sa atin sa unahan ng pandaigdigang kompetisyon.
Samantala, ayon kay Jack McDonald, senior vice president ng stablecoins sa Ripple, ang plano ng CFTC ay isang mahalagang hakbang tungo sa integrasyon ng stablecoins sa "puso ng reguladet na financial markets," na magtutulak ng mas mataas na efficiency at transparency sa derivatives markets.
“Ang pagtatatag ng malinaw na panuntunan para sa valuation, custody, at settlement ay magbibigay sa mga institusyon ng katiyakan na kanilang kailangan. Kasabay nito, ang mga pananggalang sa reserves at governance ay bubuo ng tiwala at katatagan.”
Inisyatiba, sinimulan na noong unang bahagi ng 2025
Sinabi ni Pham na ang tokenized asset initiative ay magpapatuloy sa Crypto CEO Forum ng CFTC at bahagi rin ng naunang inihayag na crypto sprint upang ipatupad ang mga rekomendasyon ng President’s Working Group on Digital Asset Markets.
Nanawagan ang crypto CEO forum noong Pebrero sa mga CEO ng industriya ng crypto na magbigay ng opinyon sa isang nalalapit na digital asset pilot program at tinalakay din ang paggamit ng tokenized non-cash collateral.
Naglabas din ang Global Markets Advisory Committee ng CFTC ng isang rekomendasyon noong nakaraang taon mula sa Digital Asset Markets Subcommittee nito tungkol sa pagpapalawak ng paggamit ng non-cash collateral sa pamamagitan ng distributed ledger technology.
Pagbabago sa regulasyon ng crypto sa US
Kasabay ng pag-anunsyo ni Pham, sinabi rin ni Securities and Exchange Commission Chairman Paul Atkins na nagtatrabaho ang kanyang ahensya sa isang innovation exemption. Ang exemption na ito ay magsisilbing regulatory carve-out na magbibigay ng pansamantalang kaluwagan sa mga kompanya ng crypto mula sa mga lumang panuntunan sa securities, habang bumabalangkas ang SEC ng mas akmang regulasyon.
Noong Hulyo, inihayag din ni Atkins ang Project Crypto, isang inisyatiba na umaasang gagawing moderno ang mga panuntunan at regulasyon sa securities para sa crypto at maglilipat sa mga financial markets ng Amerika patungo sa on-chain na sistema.