Bukas na ang mga kawani ng US Securities and Exchange Commission sa pagpapahintulot sa mga investment adviser na gamitin ang mga state trust company bilang custodian ng mga cryptocurrency asset.
Sa isang bihirang no-action letter, idineklara ng Division of Investment Management ng SEC noong September 30 na hindi ito magrerekomenda ng aksyong pagpapatupad laban sa mga adviser kung gagamitin nila ang mga state trust company bilang isang crypto custodian.
Nagpadala ng sulat ang law firm na Simpson Thacher & Bartlett sa Division, na humihingi ng katiyakan na ang mga rehistradong institusyong pinansyal, tulad ng mga venture capital firm, ay hindi mapapatawan ng aksyong pagpapatupad ng regulator kung sila ay custody ng crypto assets.
Ito na ang pangalawang no-action letter mula sa SEC noong nakaraang buwan, isang senyales ng pagluluwag ng ahensya sa regulasyon ng crypto sa ilalim ng administrasyong Trump, na nangakong babawasan ang regulatory oversight sa sektor upang akitin ang mga kompanya at proyekto sa US.
Pansamantalang hakbang tungo sa malawakang pagbabago
Ayon sa liham ng mga kawani ng SEC, maaaring gamitin ang mga state trust company bilang mga custodian, sa kondisyon na mayroon itong mga pamamaraan na idinisenyo upang protektahan ang crypto, at sinusunod ng mga adviser at fund manager ang tiyak na pamantayan, tulad ng pagsasagawa ng nararapat na pagsisiyasat at pagtukoy kung ito ay para sa pinakamahusay na interes ng kanilang mga kliyente.
Ayon kay Brian Daly, ang direktor ng Division of Investment Management, sa isang pahayag na ibinahagi sa Cointelegraph, ang sulat ay isang "pansamantalang hakbang tungo sa mas matagalang modernisasyon ng aming mga custody requirement “.
“Ang tulong na ito ay magbubukas ng mas malawak na opsyon sa crypto custody, sa ilalim ng mahahalagang proteksyon.”
Sinabi ng SEC sa kanilang regulatory flex agenda na magmumungkahi sila ng mga pagbabago sa mga custody rule. Sa ilalim ng kasalukuyang regulasyon, hinihingi ng Investment Company Act at Investment Advisers Act na ang mga ari-arian ng kliyente ay hawakan ng listahan ng mga qualified custodians, tulad ng mga bangko.
Peirce at mga analyst, pumanig sa pagbabago
Ayon kay SEC Commissioner Hester Peirce, inaalis ng bagong gabay ang "guessing game” na napilitang gawin ng mga rehistradong adviser at regulated fund sa pagpili ng entity na custody ng crypto asset. Aniya, makikinabang dito sa huli ang "mga kliyente ng advisory at mga shareholder ng fund."
Dagdag pa niya, sinasaklaw nito ang mga crypto asset ng kliyente na hawak ng mga rehistradong adviser o ang mga crypto asset investment ng mga regulated fund na sakop ng kani-kanilang probisyon sa custody, at pati na rin ang mga tokenized securities.
“Ang pagkakataong ito ay nagbibigay-daan din sa amin upang pag-aralan kung ang mga custody requirement na naaangkop sa mga rehistradong adviser at regulated fund ay dapat pang mapabuti at ma-modernisa, tulad ng sa pamamagitan ng mga principles-based rule.”
Pumalakpak sa desisyon si James Seyffart, isang ETF analyst ng Bloomberg, sa kanyang X post, at tinawag niya itong "textbook example ng mas malaking kalinawan para sa digital asset space. Eksakto itong uri ng bagay na hinihingi ng industriya sa nakalipas na mga taon."
Pabor din sa sulat ng SEC ang pseudonymous crypto trader na si Marty Party, at hinulaan niya na magdudulot ito ng "mas marami pang crypto custodian," na aniya ay "magandang balita para sa crypto adoption."
Samantala, sinabi naman ni Wyoming Senator Cynthia Lummis na siya ay "nahikayat na makita ang SEC na kinikilala ang mga state-chartered trust company bilang mga kuwalipikadong digital asset custodian." Itinuro rin niya na ang kanyang estado ay gumawa ng katulad na hakbang noong 2020, na mariing tinuligsa noon ng SEC sa ilalim ng administrasyong Biden.
Ayon kay Crenshaw, 'nakakabahala' ang liham
Pumuna naman ang tanging Democrat commissioner ng ahensya na si Caroline Crenshaw sa liham, at iginiit na ang anumang pagbabago sa kasalukuyang mga patakaran ay dapat gawin sa pamamagitan ng opisyal na rulemaking, kasabay ng opinyon ng publiko at economic analysis.
Idinagdag ni Commissioner Crenshaw na ang hakbang ng Division ay "gumagawa ng nakababahalang butas" sa kasalukuyang mga patakaran at hindi patas para sa mga aplikanteng humihingi ng national charters mula sa Office of the Comptroller of the Currency upang mag-alok ng crypto custody services.
Sa aksyon ngayon, ang mga state trust company ay maaaring lampasan ang buong proseso ng aplikasyon sa OCC kung saan ang iba ay nakikilahok nang buong pag-iingat," aniya.
“Ang pangunahing prinsipyo na sumusuporta sa ating mga batas at patakaran tungkol sa custody ng investment adviser at investment company ay ang tiwala. Ang pagpapasya kung sino ang pagkakatiwalaan bilang custodian ay isang mahalaga at mataas na antas ng katanungan.”