Inaprubahan ng US Securities and Exchange Commission (SEC) ang kauna-unahang multi-asset cryptocurrency exchange-traded product (ETP) sa Estados Unidos, kung saan pinayagan nang i-listing ang Digital Large Cap Fund (GDLC) ng Grayscale.
Ang pondo ay magbibigay ng exposure (pagkakataong mamuhunan) sa lima sa pinakamalaking cryptocurrency sa mundo: Bitcoin (BTC), Ether (ETH), XRP (XRP), Solana (SOL) at Cardano (ADA). Ang pag-apruba, na inihayag sa isang filing nong Setyembre 17, ay nagtatakda ng isang milestone para sa industriya ng digital asset at sumusunod sa tagumpay ng mga spot Bitcoin exchange-traded funds (ETFs) sa US.
Ang multi-asset crypto ETP ay nagbibigay sa mga traditional investor ng mas madaling paraan upang makakuha ng exposure sa ilang cryptocurrency nang hindi na kailangang magbukas ng account sa mga exchange o bumili nang direkta ng mga token.
Ang filing ay lumabas sa gitna ng lumalaking inaasahan ng mga investor para sa isang altcoin season, isang panahon na nakikita sa bawat bull market kung saan ang mga altcoin ay humihigit sa price momentum ng Bitcoin.
Noong Aug. 15, hinulaan ng Coinbase ang isang "full-scale altcoin season" na magsisimula sa Setyembre, at binanggit ang mga historical chart patterns bilang batayan.
“Naniniwala kaming ang kasalukuyang kundisyon ng market ay nagpapahiwatig ng posibleng pagbabago tungo sa isang full-scale altcoin season habang papalapit ang Setyembre,” isinulat ni David Duong, global head of research ng Coinbase Institutional, sa isang monthly outlook report.
Inaprubahan ang crypto ETP ng Grayscale sa ilalim ng bagong generic listing standards ng SEC
Inaprubahan ng SEC ang produkto ng Grayscale sa ilalim ng mga bagong generic listing standards na naglalayong pabilisin ang mga pagsusuri para sa mga spot crypto ETF sa mga exchange tulad ng Nasdaq, NYSE Arca, at Cboe BZX. Ang desisyon ay nangangahulugang hindi na kailangang suriin ang bawat aplikasyon nang isa-isa, kaya bumibilis ang mga pag-apruba.
“Ang Grayscale Digital Large Cap Fund na $GDLC ay naaprubahan na para sa trading kasabay ng Generic Listing Standards,” pahayag ni Peter Mintzberg, CEO ng Grayscale, sa isang X post noong Setyembre 18, at idinagdag na nagtatrabaho ang kanilang team upang ilunsad ang produkto nang mabilisan.
“Ang team ng Grayscale ay mabilis na nagtatrabaho upang ilabas sa market ang KAUNA-UNAHANG multi-crypto asset ETP na may kasamang Bitcoin, Ethereum, XRP, Solana, at Cardano.”
Nagpaabot din si Mintzberg ng pasasalamat sa SEC Crypto Task Force para sa kanilang “walang katulad na pagsisikap sa pagdadala ng regulatory clarity na nararapat sa aming industriya.”
Ang Crypto Task Force ay itinatag noong Enero 21 ni acting SEC Chair Mark Uyeda upang bumuo ng isang malinaw na regulatory framework para sa mga crypto asset sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Hester Peirce, na madalas tawaging “Crypto Mom,” ayon sa ulat ng Cointelegraph noong panahong iyon.
Nakita ng mga nagmamasid sa industriya ang paglikha ng task force na ito bilang isang malaking pagbabago mula sa nakaraang enforcement-heavy approach ng SEC sa industriya ng crypto sa ilalim ng pamumuno ni dating Chair Gary Gensler.
Sa ilalim ng pamumuno ni Gensler, naglunsad ang SEC ng mga demanda laban sa ilan sa pinakamalaking kompanya sa industriya, kabilang ang pagdemanda Ripple Labs noong 2020, Terraform Labs noong 2022, at mga cryptocurrency exchange na Binance, Coinbase at Kraken noong 2023. Ang mga kasong iyon ay nagkakahalaga ng bilyun-bilyong dolyar sa legal fees para sa industriya.