Inaprubahan na ng US Securities and Exchange Commission (SEC) ang mga pamantayan na posibleng magpabilis sa pag-apruba ng mga spot crypto ETF, dahil hindi na kailangan pang isa-isahin ang pag-assess sa bawat aplikasyon.


Ang desisyon, na nakadetalye sa mga SEC filing noong Setyembre 17 para sa mga stock exchange tulad ng Nasdaq, NYSE Arca, at Cboe BZX, ay magpapadali sa proseso sa ilalim ng Rule 6c-11, at malaki ang ibabawas nito sa approval timelines na umaabot ng ilang buwan noon.

“Sa pag-apruba namin sa mga pangkalahatang listing standards na ito, sinisiguro namin na ang aming capital markets ang mananatiling pinakamahusay na lugar sa mundo para makilahok sa cutting-edge innovation ng mga digital asset,” pahayag ni SEC Chair Paul Atkins sa isa pang statement.

”Nakakatulong ang pag-apruba na ito upang mapalawak ang mapagpipilian ng mga mamumuhunan at mapalakas ang inobasyon sa pamamagitan ng pagpapadali sa proseso ng paglilista at pagbawas sa mga hadlang para ma-access ang mga digital asset product sa loob ng mapagkakatiwalaang capital markets ng Amerika.”

Nangyari ang pag-apruba kasabay ng paghihintay ng opisyal na pahintulot ng mga aplikasyon para sa spot ETF ng mga crypto tulad ng Solana (SOL), XRP (XRP), Litecoin (LTC) at Dogecoin (DOGE).

Bukod pa sa iilan pang kaso gaya ng Avalanche (AVAX), Chainlink (LINK), Polkadot (DOT) at BNB (BNB), nakaharap ang SEC sa mga deadline simula Oktubre para desisyunan ang mga aplikasyong ito.

Tinitingnan ng maraming industry pundits, kabilang ang Bloomberg ETF analyst na si James Seyffart, ang pagbabagong ito bilang bullish, na nagsabing: “Ito na ang crypto ETP framework na matagal na naming hinihintay.”

Inaasahan niyang sunod-sunod na ilalabas sa US ang iba't ibang crypto investment product sa mga darating na linggo at buwan.

SEC, ETF
Source: Eric Balchunas

Naglabas ang SEC ng mga klarong panuntunan

Upang maging eligible para sa paglilista, ang isang crypto spot ETF ay dapat humawak ng isang commodity na alinman ay nagte-trade sa isang market na bahagi ng Intermarket Surveillance Group na may access sa surveillance, o sumusuporta sa isang futures contract na nakalista sa isang designated contract market sa loob ng hindi bababa sa anim na buwan at may kasunduan na surveillance-sharing.

”Sa kabilang banda, maaari rin itong maging eligible kung ito ay sinusubaybayan na ng isang ETF na may hindi bababa sa 40% exposure at nakalista sa isang national securities exchange,” ayon sa securities regulator.

Kailangang magsumite ang isang exchange ng rule filing sa SEC kung nais nilang ilista at i-trade ang mga crypto exchange-traded product na hindi pasok sa mga inaprubahang pangkalahatang listing standards.

Nagbabala si SEC commissioner Crenshaw tungkol sa panganib sa mga investor

Nagpahayag ng pag-aalala si Commissioner Caroline Crenshaw ng SEC tungkol sa bagong listing standards, at nagbabala na maaari nitong bahain ang market ng mga product na hindi pa lubusang nasuri para sa proteksyon ng mga mamumuhunan.

“Para makaiwas sa pagsusuri ng mga proposal at sa pagpapatunay kung protektado ba ang mga mamumuhunan, mas pinili ng Commission na pabilisin ang paglabas sa market ng mga bago at kuwestiyonableng produkto.”