Cointelegraph
Turner Wright
Isinulat ni Turner Wright,Manunulat ng Kawani
Ana Paula Pereira
Sinuri ni Ana Paula Pereira,Editor ng Kawani

‘Bumibili kami’: Itinatanggi ni Michael Saylor ang mga ulat ng Strategy dumping ng BTC

Sinabi ni Michael Saylor na lalo pang dadagdagan ng MicroStrategy ang hawak nilang 640,000 Bitcoin sa pamamagitan ng patuloy na pagbili sa gitna ng biglaang pagbagsak ng presyo ng BTC.

‘Bumibili kami’: Itinatanggi ni Michael Saylor ang mga ulat ng Strategy dumping ng BTC
Balita

Itinatanggi ni Michael Saylor, ang executive chair ng MicroStrategy, ang mga ulat na nagbebenta ang kompanya ng bahagi ng kanilang Bitcoin sa gitna ng biglaang pagbagsak ng presyo ng cryptocurrency.

Sa isang post sa X noong Nobyembre 14, sinabi ni Saylor na “walang katotohanan” ang ulat na nagsasabing binawasan ng MicroStrategy ang kabuoang hawak nilang Bitcoin (BTC) nang humigit-kumulang 47,000 BTC, o katumbas ng $4.6 bilyon sa oras na iyon. Ayon kay Saylor, patuloy ang kompanya sa pagbili ng Bitcoin habang bumababa ang presyo nito nang mahigit 4% sa loob ng wala pang 24 oras, mula sa mahigit $100,000 hanggang sa bumaba ito sa $95,000.

“Sa tingin ko, ang pabago-bagong presyo ay bahagi na talaga nito,” ani Saylor sa isang panayam sa CNBC noong Nobyembre 14. “Kung magiging Bitcoin investor ka, kailangan mo ng four-year time horizon at kailangan mong maging handa sa pabago-bagong presyo sa market na ito.”

Source: Michael Saylor

Bagama’t ang MicroStrategy pa rin ang kompanyang may pinakamalaking Bitcoin treasury — na may humigit-kumulang 640,000 BTC — nagsisimula nang bumaba ang dominasyon nito dahil sa pagpasok ng iba pang mga player sa market. Ang mga cryptocurrency exchange gaya ng Coinbase at ang Metaplanet, isang BTC treasury company, ay nahigitan ang Strategy sa dami ng biniling Bitcoin noong Oktubre.

Bumagsak din ang presyo ng stocks ng MicroStrategy sa Nasdaq. Ipinapakita sa exchange na bumaba ang presyo nito sa $205.38 sa oras ng pagkakalathala — isang pagbagsak na mahigit 17% sa nakalipas na limang araw.

Shutdown sa US tapos na, pero bakit walang matinding pag-angat ang BTC?

Bagama't ang pagtatapos ng 43 na araw na government shutdown sa US ay nagresulta sa pansamantalang pag-angat ng maraming stocks, hindi pa rin matiyak kung ano ang magiging pangmatagalang epekto nito sa Bitcoin.

Pumalo ang presyo sa mahigit $106,000 sa gitna ng lumalakas na optimismo na magkakasundo na ang mga mambabatas sa US para sa pondong kailangan. Muling umakyat ang BTC noong Nobyembre 12 matapos ipasa ng House of Representatives ang isang continuing resolution para pondohan ang gobyerno at nang lagdaan ito ni President Donald Trump bilang batas.

Gayunpaman, ayon sa datos mula sa Nansen, nang muling magbukas ang gobyerno noong Nobyembre 13, bumagsak ang presyo ng BTC sa ibaba ng $100,000.