Muling nagpahiwatig si Michael Saylor na maaaring bumili pa ng mas maraming Bitcoin ang kanyang kompanya, ang Strategy (dating MicroStrategy). Ito ay nangyayari kahit pa humaharap sa matinding pressure ang mga corporate Bitcoin treasuriy dahil sa biglaang pagbaba ng net asset values (NAV).
Sa isang post noong Oktubre 19 sa X, nagbahagi si Saylor ng isang chart mula sa Saylor Bitcoin Tracker, na nagpapakita ng kabuoang pagbili ng Strategy sa Bitcoin (BTC). "Ang pinakamahalagang orange dot ay laging ang susunod," isinulat niya.
Ang chart, na sumusubaybay sa 82 na magkahiwalay na pagbili, ay naglilista ng holdings ng Strategy sa 640,250 BTC, na nagkakahalaga ng humigit-kumulang $70 bilyon sa kasalukuyang presyo. Ito ay tumaas nang 45.6% mula sa kabuoang aggregate cost basis nito na $74,000 bawat coin.
Ang post na ito ay nagpasiklab ng haka-haka sa mga trader na posibleng may malapit na panibagong pagbili ng Bitcoin. Sa nakaraan, ang mga katulad na cryptic post ay nauuna sa mga anunsyo ng pagbili mula sa Strategy.
Strategy, nangunguna sa mga global Bitcoin treasury
Ayon sa data mula sa BitcoinTreasuries.Net, ang Strategy ay nananatiling dominant na corporation na may hawak ng Bitcoin sa buong mundo na may 640,250 BTC. Ang hawak ng firm ay kumakatawan sa halos 2.5% ng total supply ng Bitcoin, humigit sa pinagsamang reserve ng top 15 public miner at corporate treasuries.
Pangalawa ay ang MARA Holdings na may 53,250 BTC na nagkakahalaga ng tinatayang 5.7 bilyong dolyar, sinundan ng XXI sa pangatlo na may 43,514 BTC na nagkakahalaga ng 4.7 bilyong dolyar. Ang Metaplanet ng Japan ay nasa ikaapat na puwesto na may 30,823 BTC, habang ang Bitcoin Standard Treasury Company ang nakakumpleto sa top five na may 30,021 BTC.
Ipinapakita rin ng data na maraming firm na US-listed, kabilang ang Riot Platforms, CleanSpark, Coinbase at Tesla, ang nagpapanatili ng mas maliit ngunit malaki pa rin na Bitcoin position. Ang top 15 public companies ay kolektibong may hawak ng mahigit 900,000 BTC.
Bumagsak ang mga NAV ng Bitcoin treasury
Ang post ay sumunod sa ilang buwan ng pag-uga para sa mga corporate Bitcoin treasuriy. Sa isang report kamakailan, ipinahayag ng 10x Research na nakita ng mga Bitcoin treasury firm ang pagbagsak ng kanilang mga NAV, na nagpawi ng bilyun-bilyong halaga sa paper wealth.
Sinabi ng mga analyst na ang pag-usbong ng mga Bitcoin treasury company, na naglabas ng mga share na mas mataas ang presyo kaysa sa tunay na halaga ng kanilang BTC, ay bumalik na sa simula. Dahil dito, nalubog sa matinding pagkalugi ang mga retail na mamumuhunan habang ang mga firm naman ay nakapag-ipon ng totoong Bitcoin.
Noong Oktubre 14, nakita ng Metaplanet na bumaba ang enterprise value nito nang mas mababa pa sa halaga ng kanilang Bitcoin holdings sa kauna-unahang pagkakataon. Bumaba sa 0.99 ang market-to-Bitcoin NAV ratio ng kompanya, na nagpapahiwatig na mas mababa na ang pagtingin ng mga mamumuhunan sa halaga ng firm kaysa sa aktwal na halaga ng underlying BTC reserves nito.
