Ayon kay Vitalik Buterin, co-founder ng Ethereum, ang kita na nagmumula sa mga low-risk na decentralized finance protocol ay makapagbibigay ng katatagan sa ekonomiya ng network. Katulad ito ng kung paanong ang Google Search ang sumusuporta sa Google, habang pinapayagan din ang mga nonfinancial app na panatilihin ang kultura at mga prinsipyo ng Ethereum.

Sa isang blog post noong nakaraang Sabado, sinabi ni Buterin na ang low-risk na DeFi ay maaaring sumagot sa mga mahalagang problema sa pagkakaiba ng pananaw sa komunidad ng Ethereum. Ito ay tungkol sa tanong kung ang mga app ba na nagdadala ng sapat na kita para panatilihing buhay ang ecosystem ay umaayon pa rin sa kultura at etikal na pananaw na siyang orihinal na dahilan kung bakit pumasok ang mga tao sa Ethereum.

Dagdag pa nya, ang pinagmulan ng kita sa Ethereum ay kadalasan kombinasyon ng mga nonfungible token, memecoin, at espekulatibong pag-iikot ng pera. Samantala, ang mga nonfinancial at semifinancial app naman na sumasalamin sa prinsipyo at kultura ng Ethereum ay nagkaproblema sa pagkuha ng malawakang paggamit o hindi nakabuo ng sapat na fees, aniya.

Sinabi ni Buterin na ang "pagkawatak-watak na ito ang nagdulot ng malaking pagkailang sa komunidad," bago niya ipinaliwanag ang kanyang pananaw na ang low-risk na DeFi ang dapat maging pangunahing source ng fees ng Ethereum. Isang halimbawa na binanggit ni Buterin ay ang deposit rates para sa stablecoin lending sa DeFi protocol na Aave. Ito raw ay nasa bandang 5% para sa mga blue-chip na stablecoin tulad ng Tether (USDT) at USDC), at lumalagpas naman sa 10% para sa mga stable na may mas mataas na panganib.

Katulad nito, sinabi ni Buterin na maraming "interesante at mahalagang bagay" ang ginagawa ng Google — tulad ng Chromium family of browsers nito, Pixel phones, mga open-source AI Gemini models, at iba pa. Ngunit ang kinikita nila mula sa mga produktong iyon ay maliit na bahagi lamang kumpara sa kinikita nito mula sa search at mga advertisement.

Ito ay nangyayari sa gitna ng balita na ang TVL sa Ethereum DeFi ay lumampas na sa $100 bilyon sa kauna-unahang pagkakataon mula pa noong unang bahagi ng 2022. Ang TVL ng DeFi ay bumagsak nang matindi sa buong ecosystem noong bear market ng 2022-2023, at ang mga figure ng TVL ay malaki ang agwat sa pagganap ng mga top layer 1 token sa bull market na ito.

Source: Djani

Gayunpaman, bumabawi ang DeFi nitong mga nakaraang araw sa gitna ng pag-igting ng regulasyon, partikular na ang Digital Asset Market Clarity Act. Inaasahang ang Act na ito ay magtutulak pa sa mas malawakang paggamit ng DeFi. Isang survey kamakailan mula sa DeFi Education Fund ang nakatuklas na higit sa 40% ng mga Amerikano ay bukas sa paggamit ng DeFi kung may mga mas matibay na batas na ipapatupad.

Ang Ethereum, may potensyal na "higitan" ang Google

Dahil sa pagiging desentralisado nito, mas may kakayahan ang Ethereum na “higitan” pa ang Google. Hindi tulad ng Google, ang desentralisadong estruktura ng Ethereum ay nagbibigay-daan sa low-risk DeFi upang itugma ang tagumpay sa pananalapi sa etikong resulta. Sa ganitong paraan, nakalilikha ito ng pagkakaisa sa pagitan ng “pag-unlad” at “pagiging mabuti.”

“Hindi kailangan na ang magdadala ng kita ay ang pinaka-rebolusyonaryo o pinaka-nakakaganyak na aplikasyon ng Ethereum. Ngunit kailangan na ito ay actively unethical o hindi nakakahiya.”

Kinuwestiyon ni Buterin ang modelo ng insentibo ng Google, at sinabing ang kita mula sa advertising ang nagtutulak sa kompanya na mag-imbak at mangolekta ng data ng gumagamit. Ito raw ay salungat sa kanilang orihinal na prinsipyo ng open-source at positive-sum ethos.

Isinusulong ni Vitalik ang paggamit ng basket currencies at mga flatcoin

Bagama't ang low-risk DeFi ay kadalasang nakatuon sa pagpapadali ng pag-akses sa U.S. dollar — lalo na para sa mga nasa bansang may mababang kita at mataas na inflation — nais ni Buterin na makakita ng iba pang mga inobasyon na magbibigay ng suporta sa ekonomiya ng Ethereum.

Iminungkahi ni Buterin ang ideya ng paggawa ng mga cryptoasset na sumusubaybay sa iba't ibang basket ng pera at mga flatcoin na direktang nakabatay sa consumer price indices.