Magpupulong ang mga mambabatas ng US kasama ang 18 crypto industry executives, kasama na si Strategy chairman Michael Saylor, upang talakayin kung paano isusulong ng Kongreso ang Strategic Bitcoin Reserve ni Pangulong Donald Trump.

Kabilang din sa mga dadalo sina Fundstrat CEO Tom Lee, na chairman din ng BitMine, at MARA CEO Fred Thiel, ayon sa crypto advocacy group na The Digital Chambers, na nagbahagi ng kumpletong listahan sa Cointelegraph noong Setyembre 15.

Layunin ng mga industry executive na isulong ang BITCOIN Act, isang panukalang batas na inihain ni US Senator Cynthia Lummis noong Marso. Ang panukalang ito ay nananawagan sa gobyerno na bumili ng isang milyong Bitcoin (BTC) sa loob ng limang taon.

Ang mga pagbili ay popondohan sa pamamagitan ng Federal Reserve at Department of the Treasury. Ayon sa executive order ni Trump, dapat itong pondohan gamit ang mga budget-neutral strategy.

Ang roundtable ay pangungunahan ng The Digital Chambers at ng kaakibat nitong The Digital Power Network, ayon sa kanilang pahayag.

Ang BITCOIN Act ang posibleng maging susunod na malaking focus ng mga mambabatas sa lehislasyon ng crypto, kasunod ng kanilang pagsisikap na ipasa ang GENIUS Act stablecoin bill noong Hulyo.

Source: Michael Saylor

Mga Bitcoiners, maghahain ng ideya at maghahanap ng kasagutan

Ayon sa The Digital Chambers sa Cointelegraph, maghahain ang mga executive ng industriya ng Bitcoin ng mga ideya kung paano mapopondohan ng US ang mga pagbiling ito ng Bitcoin nang hindi naapektuhan ang mga nagbabayad ng buwis.

“Ang pokus ay masiguro na ang Strategic Bitcoin Reserve ay isusulong sa budget-neutral na paraan at bubuo ng koalisyon na kailangan upang umusad ang BITCOIN Act.”

Kabilang sa mga budget-neutral strategy na iminungkahi sa ngayon ay ang muling pag-aaral sa mga gold certificate ng Treasury at ang kita mula sa tariff.

Hahangarin din nilang alamin kung bakit humina ang momentum ng BITCOIN Act sa nakalipas na anim na buwan, at kung ano ang pinakamalaking pagtutol sa bill na ito sa hanay ng mga mambabatas.

Bitcoin miners, VC, at mga banker, makikipagpulong din sa mga mambabatas

Dadalo rin sa roundtable ang ilang executive sa Bitcoin mining industry, kabilang sina Matt Schultz at Margeaux Plaisted ng CleanSpark, Jayson Browder ng MARA, at Haris Basit ng Bitdeer.

Dadalo rin ang mga executive mula sa mga crypto-focused venture capital firm na Off the Chain Capital at Reserve One. Kasama rin nila si Andrew McCormick, ang head ng investment platform na eToro sa negosyo nito sa US.

Kabilang naman sa mga kinatawan ng TradFi na lalahok sa roundtable sina David Fragale ng Western Alliance Bank at Jay Bluestine ng Blue Square Wealth.