Maaaring ituon ng mga institutional investor ang kanilang atensyon sa mga altcoin sa pagdating ng susunod na wave ng mga cryptocurrency exchange-traded funds (ETFs) sa Estados Unidos, ayon sa mga market analyst.
Ang US Securities and Exchange Commission (SEC) ay nakatanggap ng hindi bababa sa limang bagong altcoin ETF filing noong unang kalahati ng Oktubre, sa kabila ng nagpapatuloy na US government shutdown na nagpapabagal sa proseso.
Ang bawat pag-apruba ay maaaring “magbukas ng pinto para sa susunod na wave ng institutional buying,” ani Leon Waidmann, ang head of research ng Web3 analytics firm na Onchain.
“Ang mga altcoin ETF inflow ay ang hindi maiiwasang susunod na hakbang matapos patunayan ng mga Bitcoin at Ethereum ETF ang demand ng mga institusyon,” pahayag ni Waidmann sa Cointelegraph. “Ito ay patunay na ang kumpiyansa sa regulasyon ay nagreresulta sa pagdaloy ng kapital.”
Nalampasan ng mga Ether ETF ang Bitcoin ETF inflows nitong Q3
Ang mga Spot Ether (ETH) ETF ay nakahatak ng $9.6 bilyon na inflows nitong ikatlong quarter ng 2025, na lumampas sa $8.7 bilyon na nabuo mula sa mga spot Bitcoin (BTC) ETF inflow, ayon sa data aggregator na SosoValue.
Ang pagbabagong ito ay hudyat ng tumataas na demand ng mga institusyon para sa alternative crypto exposure.
Ayon kay Waidmann, ang trend na ito ay maaaring maging daan upang mapabilis ng mga altcoin ETF ang susunod na yugto ng pagpasok ng mga institusyon sa altcoins bilang mga bagong regulated vehicle, na magreresulta sa maraming taon ng patuloy na inflow.
“Nahanap ng mga institusyon ang Bitcoin sa pamamagitan ng mga ETF; ngayon ay lumilipat na sila sa Ethereum, at ang iba pang mga altcoin ang susunod.”
Ang mga pinakamahuhusay na trader sa industriya, na sinusubaybayan bilang mga “smart money” trader sa blockchain intelligence platform na Nansen, ay naghahanda na rin para sa pag-apruba ng mga altcoin ETF.
Ang Uniswap (UNI), Aave (AAVE) at Chainlink (LINK) ang tatlong token na pinakamaraming hawak ng mga smart money trader, base sa datos mula sa Nansen.
Gayunpaman, ilang analyst ang nangangamba na ang kawalan ng BlackRock sa mga altcoin ETF ay magreresulta sa limitadong inflows, lalo na’t ang Bitcoin ETF ng BlackRock ay nakalikom na ng $28.1 bilyon na investment ngayong 2025, dahilan upang ito ang maging tanging fund na nakapagtala ng positibong year-to-date (YTD) inflows.
Kung wala ang fund ng BlackRock, ang mga spot Bitcoin ETF ay nakapagtala ng kabuuang net outflow na $1.27 bilyon year-to-date, ayon kay Vetle Lunde, ang head of research ng K33.
Base sa takbo ng mga investment sa Bitcoin ETF, ang kawalan ng BlackRock sa altcoin ETF wave ay maaaring maglimita sa kabuoang inflows at sa potensyal na positibong tulak nito sa halaga ng mga nasabing token, paliwanag ng researcher.
