Bumagsak ng 5.73% ang Ether (ETH), mula sa pinakamataas na presyo nito noong nakaraang linggo na umabot sa $4,766. Umurong ang presyo dahil nagbabawas ng risk ang mga trader bago ang desisyon ng Federal Reserve sa interest rate.
Ang pullback ay nagpapakita ng pag-iingat sa merkado, ngunit ang mas malaking tanong ay kung ang posibleng dovish shift ng Fed ay maaaring magsimulang muli ng rally ng Ethereum at kung gaano kalayo ang aabutin ng susunod nitong paggalaw.
Ang presyo ng ETH ay kayang tumaas nang 45% kapag nagkaroon ng breakout
Ipinagtatanggol ng mga bull ng Ether ang 20-day Exponential Moving Average (20-day EMA; ang berdeng wave) malapit sa $4,450. Nagpapakita ito ng katatagan dahil tinataya ng market na may 96.1% na tsansa ng Fed rate cut, mas mataas kumpara sa 85.4% noong nakaraang buwan, na may inaasahang dalawa pang pagbawas bago matapos ang taon.
Ang consolidation ay naging bull pennant, isang continuation pattern na karaniwang nauuna sa susunod na yugto ng pagtaas ng presyo. Patuloy na bumababa ang volume sa pagbuo ng formation na ito, na siyang tanda ng isang pennant setup na nag-mature na.
Ayon sa chart pattern, ang presyo ay posibleng umabot sa $6,750 pagsapit ng Oktubre, na higit sa 45% na mas mataas sa kasalukuyang lebel, kung tuluyan at matagumpay na magsasara ang ETH sa itaas ng itaas na trendline ng pennant.
Ang target na pagtaas na ito para sa ETH ay katulad ng mga ibinigay kamakailan nina James Harris, CEO ng Tesseract, at analista na si Donald Dean.
Ang pagbaba ng presyo ng ETH: Ayon sa mga analista
Ang pagkabigong ipagtanggol ang 20-day EMA ay maaaring magbukas ng daan para sa mas malaking pagbaba patungo sa tinukoy na lugar ng mas mababang trendline ng triangle (humigit-kumulang $4,350) at sa 50-day EMA (ang pulang wave) na malapit sa $4,200.
Ngunit marami sa mga analista ang nagsasabing ang pagbaba ng presyo ay malamang na maging sanhi ng dip-buying, na magtutulak naman sa presyo ng ETH paitaas.
Kabilang dito ang chartist na si Ash Crypto, na nagbigay ng mungkahi na ang pagbaba sa ilalim ng mas mababang trendline ng pennant ay hindi magpapawalang-bisa sa posibilidad ng pagtaas ng presyo, sa halip ay magpapadala pa ito ng rally sa presyong lampas $5,000 sa mga susunod na linggo.
Parehas din ang pananaw ng chartist na si TheBullishTradR, na nagmumungkahing maaaring bumaba muna ang Ethereum sa support zone ng $4,100 hanggang $4,300 na tinawag niyang “super trend support” bago ito tuluyang sumipa at magpatuloy sa isang mas matinding pag-akyat.
Samantala, napansin ng analista na si Luca na nabawi na ng ETH ang tinatawag na ‘golden pocket’ (ang 0.5–0.618 na Fibonacci retracement lines). Kaya naman, ang presyo ngayon ay naka-align nang maigi sa zone na ito at sa ‘daily Bull Market Support Band’.
Ayon sa chartist, ang kasalukuyang galaw na ito ay isang klasikong “Breakout → Retest setup”: Nangyayari ito kapag ang presyo ay lumagpas sa resistance at pagkatapos ay bumaba upang subukan itong muli bilang support bago tuluyang magpatuloy sa pag-akyat. Idinagdag pa niya:
“Hangga't nananatili ang presyo sa itaas ng golden pocket, naniniwala akong ang pinakamalaking posibilidad ay ang tuluyan pang pag-akyat ng presyo.”
Ang artikulong ito ay hindi naglalaman ng payo o rekomendasyon para sa pamumuhunan. Bawat hakbang sa pamumuhunan at trading ay may kaakibat na panganib, at ang mga mambabasa ay nararapat na magsagawa ng sarili nilang pagsasaliksik bago magdesisyon.