Sinimulan na ng Federal Reserve, ang central bank ng Estados Unidos, ang pagbabawas sa interest rates noong Setyembre 24, kung saan inasahan ng mga analista ang 25 basis point (bps) na bawas at pangmatagalang pag-angat sa presyo ng mga risk asset.

Ayon kay Nic Puckrin, founder at market analyst ng Coin Bureau, lubos na konektado and presyo ng crypto sa liquidity cycle. Ngunit habang kadalasang nagpapataas ng presyo ng mga asset sa pangmatagalan ang mas mababang interest rates, nagbabala naman si Puckrin sa isang price correction sa maikling panahon.

“Ang pangunahing peligro ay baka na-presyuhan na sa market ang hakbang na ito," sabi ni Puckrin, at idinagdag, "Malaki ang pag-asa ng lahat at may matinding posibilidad na magkaroon ng 'sell the news' pullback. Kapag nangyari 'yan, ang mga speculative corner, lalo na ang mga memecoin, ang pinakamadaling maapektuhan.”

Federal Reserve, Central Bank, Economy, United States, Interest Rate
Isang chart na nagpapakita ng mga 'hawkish' o 'dovish' na senyales mula sa Federal Reserve. Ang mas mataas na score ay nangangahulugang hawkish ang Fed o mas maliit ang posibilidad na babaan nito ang interest rates. Source: Oxford Economics

Karamihan sa mga trader at institusyong pinansyal ay nag-aabang ng hindi bababa sa dalawang pagbawas sa interest rate sa taong 2025, kasama na ang investment bank na Goldman Sachs at banking giant na Citigroup, na parehong naghihintay ng tatlong cut sa loob ng taon.

Ayon sa Oxford Economics, isang advisory company, dalawang beses lamang magbabawas ng interest rate ang Fed sa 2025. Sinabi ni Ryan Sweet, chief US economist ng kompanya, na ang tatlong rate cut ay sobrang optimistiko, kahit pa mas maagang magbawas ng interes ang Federal Reserve kaysa sa inaasahan.

Inaasahan ng komunidad ng crypto at ng mga mamumuhunan sa iba't ibang market ang pagbaba ng interest rate kasunod ng pagbabago sa bilang ng mga trabaho, mahigit 900,000 na trabaho para sa 2025 na nagpapahiwatig ng paghina ng job market sa US at paglala ng macroeconomic fundamentals.

Federal Reserve, Central Bank, Economy, United States, Interest Rate
Dahil sa pagtaas ng unemployment rate simula 2024, mas lumakas ang rason ng Federal Reserve para bawasan ang interes. Source: Oxford Economics

Ang 25 BPS na bawas ay posibleng magdulot lang ng panandaliang rally, pero ang 50 BPS ay masyado nang malaki at delikado

Ayon sa Chicago Mercantile Exchange (CME) Group, 6.2% ng mga trader ang umaasang magbabawas ang Federal Reserve ng 50 BPS sa interest rate.

Samantala, sinabi ni Javier Rodriguez-Alarcon, chief investment officer ng digital asset investment company na XBTO, na ang 25 BPS na bawas ay magdudulot ng maikling rally sa mga risk-on asset.

Federal Reserve, Central Bank, Economy, United States, Interest Rate
Mga Inaasahang Tsansa sa Pagbaba ng Interest Rate. Source: CME Group

“Sa kabilang banda, ang sorpresang 50 BPS na bawas ay magpapalala ng pangamba tungkol sa kalusugan ng ekonomiya at paglago nito, na magpapabigat sa mga market sa maikling panahon.” pahayag ni Rodriguez-Alarcon.

“Gayunpaman, ang mga pagbawas na ito ay kalaunan pa ring magpapataas ng presyo ng mga asset sa pangmatagalan, dahil aalis ang mga mamumuhunan sa cash para maghanap ng mas magagandang investment.” dagdag niya.