Inanunsiyo ng Ethereum Foundation ang bagong research team na nakatuon sa AI, na naglalayong pagsamahin ang censorship-resistant na kapangyarihan ng blockchain sa isa sa pinakamainit na larangan ng teknolohiya.
Ayon kay Davide Crapis, isang research scientist ng Foundation, sinabi niya noong Setyembre 15 na ang bagong team ay magtutuon sa pagbuo ng isang AI economy sa Ethereum at isang decentralized na AI stack para sa mga developer.
Sabi ni Crapis sa X, “Ginagawa ng Ethereum na mas mapagkakatiwalaan ang AI, at ginagawa naman ng AI na mas kapaki-pakinabang ang Ethereum.” “Habang mas maraming intelligent agents ang nagta-transact, mas kailangan nila ng isang neutral na base layer para sa halaga at reputasyon. Nakikinabang ang Ethereum sa pamamagitan ng pagiging layer na iyon, at napakikinabang naman ang AI sa pamamagitan ng pag-iwas sa lock-in sa iilang centralized platform,” dagdag niya.
Kasalukuyang naghahanap ng tauhan ang Ethereum Foundation para sa bago nilang dAI team at nangangailangan sila ng isang AI researcher at isang project manager upang pangunahan ang koordinasyon.
Ipagpapatuloy ng team ang gawaing unang ginawa sa ERC-8004, isang panukalang nilikha nina Crapis, Marco De Rossi, at Jordan Ellis na magpapalawak sa AI agent-to-agent (A2A) protocol upang maging isang trust layer para sa pagtuklas at pakikipag-ugnayan sa mga AI agent.
Susuportahan ng Foundation ang mga proyektong naglalayong gawing isang ecosystem ang Ethereum na kinasasangkutan ng AI at mga tao, kung saan si Crapis ang mangunguna sa bagong team.
Naging sentro ng atensiyon ang mga AI agent sa pag-uugnay ng teknolohiyang blockchain at artificial intelligence. Ang mga ito ay mga programa na gumagawa ng desisyon at gumagana nang may kaunting pagsubaybay lamang mula sa tao, nagpapatupad ng mga transaksyon at umaandar para sa kapakinabangan ng kanilang mga programmer. Ang mga blockchain na may mga tampok na napo-program, tulad ng mga smart contract, ay naging kanlungan para sa mga programang ito.
Makakatulong ang AI na pamahalaan ang mga settlement (pag-aayos ng transaksyon), ang huling hakbang sa isang transaksyon kung saan inililipat ang mga asset sa pagitan ng dalawang partido. Ayon sa kompanya ng blockchain analytics na CryptoQuant, umabot sa 12 milyon ang arawang smart contract calls ng Ethereum noong nakaraang Huwebes, na nagpapatibay sa papel ng blockchain bilang isang programmable settlement layer.
“Ang network activity ay nasa expansion mode,” sabi ng CryptoQuant. “Ang kabuuang mga transaksyon at active addresses ng Ethereum ay umabot sa pinakamataas na tala, na nagbibigay-diin sa lumalawak na adopsiyon sa buong DeFi, paglilipat ng stablecoin, at aktibidad ng mga token.”
Gumagalaw ang AI sa iba't ibang blockchains
Ayon sa isang mananaliksik ng teknolohiya, kayang suportahan ng blockchain technology ang mga kahinaan ng artificial intelligence sa pamamagitan ng pagbibigay ng decentralization, immutability, at identity verification, bukod pa sa iba pang mga tampok.
Iba't ibang organisasyon ng Web3 ang nagtatrabaho upang pagsanibin ang dalawang teknolohiya. Noong 2024, inanunsiyo ng Matchain ang paglulunsad nga kanilang decentralized AI blockchain, at noong Pebrero 2025 naman, ipinahayag ng KiteAI ang paglabas ng isang AI-driven na blockchain sa Avalanche ecosystem.
Ayon kay Arunkumar Krishnakumar, pinuno ng institutional growth at RWAs sa Kamino Finance, ang mga AI agent at blockchain technology ay may kakayahang baguhin ang digital economy.