Ang crypto industry ay naging laman ng balita kamakailan dahil sa mga labanan sa regulasyon, ispekulasyon, o mga pag-hack. Ngunit, sa likod ng ingay, ang mga wallet, na siyang pangunahing daanan ng karamihan ng tao sa mundo ng digital asset, ay tahimik na nagbabago at nag-iiba sa kung ano ang ibig sabihin ng makilahok sa Web3 economy.

Ang episode noong nakaraang linggo ng The Clear Crypto Podcast, na hatid sa inyo ng StarkWare at Cointelegraph, ay tumalakay sa kinabukasan ng mga cryptocurrency wallet kasama si Jess Houlgrave, CEO ng Reown. Sinuri nila kung paanong ang mga wallet ay nagbabago mula sa pagiging mga espesyal na kagamitan lamang para sa crypto patungo sa pagiging pangkalahatang sentro ng kontrol para sa ating digital life.

Iba’t-ibang uri ng crypto wallet

“Hindi ko iniisip na may iisang pinakamahusay na wallet, dahil ang kailangan ng bawat indibidwal o kompanya mula sa isang wallet ay sadyang napakalaki ang pagkakaiba,” ayon kay Houlgrave.

 “May mga indibidwal na mas uunahin ang bilis at dali ng pag-access... Sa kabilang banda, kung ako naman ay isang kompanya na humahawak ng malalaking halaga ng crypto para sa trading... ang klase ng wallet na kailangan ko ay lubhang, lubhang magkaiba.”

Ang malawak na pagkakaiba ng mga pangangailangang ito ang nagbunsod sa mabilis na pagbabago. Ang mga unang hadlang, tulad ng seed phrases at nakalilitong gas fees, ay unti-unti nang nawawala.

“Sa ngayon, talagang optimistiko ako dahil naniniwala akong nalutas na ng mga pinakamahusay na wallet ang mga problemang iyon,” aniya. “Napakarami na kasing mapagpipilian ngayon na nagbibigay-daan sa mga end-user na pumili kung ano ang gusto nila.”

Ang simpleng gamit ng Web3 tech Web2.0

Binigyang-diin ni Houlgrave ang kahalagahan ng pagtutulay sa pagiging kumplikado ng Web3 tungo sa kasimplehan ng Web2:

“Sa paglipas ng panahon, ang iniisip namin ay kung paano namin isasara ang malaking puwang na umiiral sa pagitan ng user experience ng Web2 ngayon at ng user experience ng Web3...“

Aniya, ang paggamit ng wallet ay dapat maging kasingdali ng pagbubukas ng isang aplikasyon, pag-log-in sa pamilyar na paraan, at pagkuha ng lahat ng benepisyo ng crypto, ngunit nang hindi nakokompromiso ang user experience.

Ngunit, paano naman ang mga purista ng crypto na nag-aalala sa pagkawala ng desentralisasyon habang nagiging mas madaling gamitin ang mga wallet? Ikinatwiran ni Houlgrave na ang pagpili ang susi.

“Para sa akin, gumagamit ako ng iba't ibang wallet sa iba't ibang paraan... Sa tingin ko, ang hinahanap natin ay ang pagsasanib ng wallet experience na nagbibigay sa iyo ng opsyon na kailangan mo patungkol sa seguridad at self-custody, kasabay ng kakayahang maranasan ang ilan sa mga benepisyo ng Web3 sa ibang paraan.”

Sa pagtanaw sa hinaharap, maaaring lumawak pa ang saklaw ng mga wallet nang higit pa sa pamamahala ng pera. Sinabi ni Houlgrave na maaari itong maging halos isang buong handbag.

“Nasa loob niyan ang aking pagkakakilanlan, ang aking mga login, ang aking datos... ang aking mga medical record, ang aking education track record, ang aking job references, kung saan ako nagbabayad ng buwis, ang land registry para sa bahay na pag-aari ko, ang mga resibo at ang warranty para sa ref na binili ko. Ang lahat ng mga bagay na ito ay lubos na makatuwiran na itago natin sa isang wallet-type construct.”

Para marinig ang kumpletong pag-uusap sa The Clear Crypto Podcast, pakinggan ang buong episode sa Podcasts page ng Cointelegraph, Apple Podcasts o Spotify. At huwag kalimutang tingnan ang iba pang programa ng Cointelegraph!