Ayon kay David Duong, ang pinuno ng investment research ng Coinbase, tuluyang magsasama-sama sa ilalim ng iilang mas malalaking kompanya ang mga Digital Asset Treasury habang nagma-mature ang siklo at sinisikap ng mga kompanya na akitin ang mga mamumuhunan.

Sa panayam sa Cointelegraph, sinabi ni Duong na bukod sa mga istratehiya para palakihin ang presyo ng share, "maaaring simulan na ng mga kompanya ang mergers and acquisitions, katulad ng kasunduang naganap kamakailan sa pagitan ng Strive at Semler Scientific, habang papalapit tayo sa mas mature na yugto ng DAT cycle."

Noong Setyembre 22, inanunsyo ng asset manager na naging Bitcoin treasury company na Strive na kukunin nito ang kapwa DAT na Semler Scientific sa pamamagitan ng isang all-stock transaction.

Cryptocurrencies, Digital Asset Holdings, Digital Asset, Companies
Source: Strive 

Kasabay nito, sinabi ni Duong na ang mga DAT ay nagsasagawa rin ng mas crypto-native na mga istratehiya, tulad ng paglikha ng yields sa pamamagitan ng staking o DeFi looping, na kinabibilangan ng paulit-ulit na panghihiram at muling pagposisyon ng parehong asset upang palakihin ang kita.

“At marami pa silang maaaring gawin dito. Sa tingin ko, ang kinabukasan ay lubos na nakadepende sa kung ano ang mangyayari sa mga pagbabago sa regulasyon, liquidity, at market pressures upang magkaroon ng mas malinaw na ideya kung saan ito tutungo sa pangmatagalan.”

Noong Setyembre 15, hinulaan ng Standard Chartered na hindi lahat ng DAT ay makaliligtas sa pangmatagalan, na maaaring pumilit sa kanila na magpatibay ng mga bagong istratehiya o tuluyan nang maglaho.

Umaasa ang mga crypto treasury na domahinahan ang isang token

Ayon kina Duong at kapwa researcher ng Coinbase na si Colin Basco, sa isang ulat noong Setyembre 10, pumasok na sa player-vs-player na yugto ang labanan sa mga DAT, kung saan nag-uunahan ang mga kompanya na maging kakaiba mula sa mga kalaban.

Sinabi ni Duong na ang mga pagbili ng share ng mga crypto treasury firm nitong mga nakaraang linggo ay resulta ng bagong yugtong ito.

Noong Setyembre 24, inanunsyo ng media company na Thumzup, na may koneksiyon kay Trump Jr. at may hawak ng Bitcoin (BTC) at Dogecoin (DOGE), na tinaasan nila ang share buyback mula $1 milyon hanggang $10 milyon. Pinalawak din ng DeFi Development Corp, isang treasury company ng Solana (SOL), ang share repurchase nito mula $1 milyon hanggang $100 milyon.

Cryptocurrencies, Digital Asset Holdings, Digital Asset, Companies
Source: DeFi Development Corp

“Naniniwala ako na ang pinagmumulan nito ay ang pag-aakala ng mga kompanya na iilang pangunahing player lang ang magdodomina sa bawat token, at nakikipagkumpitensya sila upang maging kakaiba sa pamamagitan ng laki o financial engineering,” saad ni Duong.

“Sa tingin ko rin, ang istratehiyang ito ang malamang na nag-ambag sa negative price action na naobserbahan noong kalagitnaan hanggang huling bahagi ng Setyembre, dahil inuna ng mga entity na ito ang paggamit ng capital upang palakasin ang presyo ng stock kaysa sa pag-iipon ng crypto.”

Nahirapan ang ilang DAT na mapanatili ang presyo ng share nila, kung saan ang ilan ay nawalan ng hanggang 90% ng kanilang halaga. Ito ay iniuugnay sa market saturation at pag-aalala ng mga investor tungkol sa sustainability.

Ang share buybacks ay hindi katumbas ng tagumpay

Sinabi rin ni Duong na batay sa kanyang karanasan, ang mga share buyback ay hindi laging nagdudulot ng pagtaas sa presyo, lalo na kung itinuturing ng market ang aksyon bilang isang negatibong senyales tungkol sa pangmatagalang kalusugan ng kompanya, dahil sa huli, ito ay "lubos na nakasalalay sa sentiment."

Ang pagiging epektibo ng mga buyback ay nakasalalay sa persepsiyon ng mga investor tungkol sa pinagbabatayang fundamentals ng isang kompanya,” pahayag niya.

“Halimbawa, kung ang isang DAT ay gumagamit ng buybacks bilang isang defensive maneuver upang bawasan ang float nito, ngunit naniniwala ang mga market player na pinapanatili ng kompanya ang isang efficient capital allocation strategy at transparent funding, maaaring makinabang ang presyo ng share nito. Sa kabilang banda, ang kabaligtaran ang mangyayari kung hindi natugunan ang mga tamang kondisyon.”

Ang TON Strategy Company, na dating kilala bilang Verb Technology Company, ay nag-anunsyo ng stock buyback noong Setyembre 12, ngunit hindi ito positibong tinugunan ng mga investor, kung saan bumaba ng 7.5% ang share nito.

Nakapag-ipon ang mga DAT ng malalaking holding

Ang mga Digital Asset Treasury (DAT) na nagdagdag ng Bitcoin sa kanilang balance sheet ay may hawak na ngayon ng mahigit 1.4 milyong coin, na kumakatawan sa humigit-kumulang 6.6% ng kabuoang supply, na nagkakahalaga ng mahigit $166 bilyon.

Nakakuha na ang mga kumpanya ng mahigit 1.4 milyong Bitcoin bilang treasury asset. Source: Bitbo 

Kasabay nito, 68 na kompanya ang nakakuha ng kabuoang 5.49 milyong Ether, na nagkakahalaga ng mahigit $24 bilyon. Samantala, nakita rin ang malaking pagtaas sa Solana, kung saan siyam na publicly tracked na entity ang may hawak ng mahigit 13.4 milyong token, na nagkakahalaga ng mahigit $3 bilyon.