Nilustay ng mga crypto hacker at scammer ang mahigit $163 milyon mula sa crypto space noong Agosto sa 16 na magkahiwalay na pag-atake. Ang pinakamalaking pagkalugi ay nagmula sa isang social engineering na pag-atake laban sa isang Bitcoiner.

Sinabi ng blockchain security firm na PeckShield sa isang post sa X noong Setyembre 1, ang mga pagkalugi noong Agosto ay may 15% na pagtaas kumpara sa Hulyo, na nakapagtala lang ng $142 milyon. Bagama't mas mababa ito ng 47% kung ikukumpara sa nakaraang taon.

Nabanggit ng mga eksperto sa cybersecurity sa Cointelegraph na ang pagtaas ng bilang ng mga pagnanakaw noong Agosto ay dahil sa paglilipat ng mga hacker ng kanilang atensyon sa mga high-value target at sa pagtaas ng presyo ng crypto.

Source: PeckShield

Ang mga crypto hacker ay nakatuon sa mga 'high-value' na target

Sa Cointelegraph, sinabi ng PeckShield na may pagbabago sa diskarte ang mga hacker noong nakaraang buwan. Ngayon, mas nakatuon sila sa mga centralized exchange at iba pang high-value na indibidwal na target.

Dalawang insidente ang partikular na nagpataas sa kabuuang halaga noong Agosto. Isang Bitcoiner ang naging biktima ng social engineering na pag-atake at nawalan ng 783 Bitcoin (BTC), na nagkakahalaga ng $91 milyon noon. Nangyari ito sa isang transaksyon matapos magpanggap ang mga masasamang-loob bilang suporta ng isang crypto exchange at hardware wallet.

Ang isa pa ay ang Turkish crypto exchange na Btcturk, kung saan halos $50 milyon na crypto ang ninakaw matapos ma-access ng isang attacker ang kanilang hot wallets. Ito na ang ikalawang malaking security breach para sa exchange, na may halos parehong pag-atake noong Hunyo 2024.

Gayunpaman, sinabi ng PeckShield na bumababa ang bilang ng mga hack. Nagtala sila ng 16 noong Agosto, kumpara sa 17 noong Hulyo at 20 noong Hunyo.

“Kung titingnan ang kabuuang larawan sa nakalipas na 8 na buwan, bumababa ang bilang ng mga hack. Ito ay magandang balita at nagpapahiwatig ng mga pagpapabuti sa pangkalahatang seguridad ng ecosystem.”

Ang malaking papel ng pag-usbong ng presyo ng crypto

Ayon kay Hank Huang, CEO ng Kronos Research, madalas tumataas ang mga pagnanakaw sa crypto kasabay ng pagtaas ng presyo nito, na lumilikha ng malalaking gantimpala para sa pag-atake sa mga pangunahing target.

Ang Bitcoin and Ether (ETH) ay nakaranas ng mga bagong all-time high noong Agosto. Tinawid ng Bitcoin ang $124,000 noong Agosto 14, habang mabilis na lumampas naman sa $4,946 ang Ether noong Agosto 24.

Idinagdag ni Huang na ang pagtaas noong Agosto ay nagpapakita kung paano nakatuon ang mga attacker sa mga centralized wallet. Gumagamit sila ng mga sopistikadong phishing at social engineering upang malantad ang mga operational na kahinaan.

Pababa ang kabuuang pagkalugi, noong Hunyo, $176 milyon ang nawala sa mga hack, a na mas mababa ng 54.2% kumpara noong Mayo, kung saan umabot sa $385 milyon ang nakuha ng mga manloloko. Noong Hulyo naman, $142 milyon ang nawala dahil sa mga hacker.

Gayunpaman, sinabi ni Huang na maaaring tumaas pa ang mga pagkalugi sa nalalabing bahagi ng taon. "Hindi lang ito dahil sa mabilis na pagtaas ng presyo ng crypto, kundi mas lalo na dahil sa mabagal at patuloy na pagkaantala sa pagpapabuti ng teknolohiya sa seguridad para maiwasan ang mga atake na ito."

Bagong teknolohiya, posibleng makatulong para maprotektahan ang crypto

Sinabi rin ni Huang na posibleng may mga bagong teknolohiya at mas mahusay na seguridad na darating. Malamang, makakatulong ito upang mapigilan ang mga pagkalugi sa mahabang panahon.

“Habang umuusad ang mga umuusbong na teknolohiya, ang mga pagpapabuti na hinimok ng AI at mas matibay na mga modelo ng seguridad ay makakatulong na mabawasan ang epekto sa hinaharap”, aniya.

Samantala, sinabi ng PeckShield na ang mga high-value target, tulad ng mga korporasyon at indibidwal na may malalaking mga crypto holding na matatag ang kanilang seguridad.

"Inirerekomenda namin na ang mga high-value target — parehong korporasyon at indibidwal — ay dapat na mas maging alerto at proaktibong magpatupad ng mga matatag na seguridad."