Maaaring magdulot ng biglaang pagdami ng mga crypto ETP ang ginagawang pagpapaikli ng SEC sa proseso ng pag-apruba. Gayunpaman, nagbabala ang isang ehekutibo sa crypto na hindi pa rin nito sinisiguro ang tagumpay ng mga ito.

Ayon kay Matt Hougan, chief investment officer ng Bitwise, sa isang ulat noong Setyembre 15, Ang pagtanggap sa mga generic listing standards — na posibleng simulan ngayong buwan — ay tiyak na magdadala ng napakaraming bagong crypto ETP. Madaling intindihin ito, at suportado pa ng kasaysayan ng ETF.

Gayunpaman, nagbabala si Hougan na ang paglunsad ng crypto ETF ay hindi dapat mapagkamalan na panibagong malaking interes para sa cryptocurrency.

Ang "simpleng pag-iral" ng mga crypto ETF, hindi garantiya ng tagumpay

“Ang simpleng pag-iral ng isang crypto ETP ay hindi garantiya ng malaking pasok ng pondo. Kailangan mo ng tunay at batayang interes sa mismong asset na nakapaloob dito,” sabi ni Hougan.

Dagdag pa niya, “Inaasahan kong magiging mahirap para sa mga ETP na binuo sa mga asset tulad ng Bitcoin Cash na makahatak ng pondo, maliban na lang kung ang asset na mismo ang makakahanap ng panibagong buhay.”

Gayunpaman, binigyang-diin ni Hougan na ang paglulunsad ng mga ETF ay naglalagay sa mga produktong ito sa posisyon na mabilis na sumigla kapag nagsimulang bumalik ang magagandang batayan, dahil mas pinapadali ng mga ETF para sa mga tradisyonal na investor ang paglalagak ng kapital sa crypto.

Sinabi ni Katalin Tischhauser, research head ng Sygnum, sa Cointelegraph noong Pebrero na mayroong labis na excitement sa market tungkol sa pagdating ng mga ETF na ito, at wala namang makapagturo kung saan magmumula ang malaking pangangailangan.

Samantala, inaasahang ilulunsad sa US ngayong linggo ang dalawang bagong altcoin exchange-traded funds na sumusubaybay sa XRP (XRP) at Dogecoin (DOGE).

Cryptocurrencies, United States, ETF
Nakamit ng Altcoin Season Index ang pinakamataas nitong score sa nakalipas na 90 araw noong Linggo. Source: CoinMarketCap

Noong Hulyo 3, natapos ang debut trading day ng unang Solana (SOL) staking ETF sa US na may pasok na pondo na $12 milyon, na inilarawan ni James Seyffart, isang Bloomberg ETF analyst, bilang isang magandang simula sa pag-trade.

Sa kasalukuyan, sinusuri ng SEC ang spot crypto ETF batay sa case-by-case basis. Kinakailangang magsumite ang mga issuer ng detalyadong panukala na nagpapakita na ang pinagbabatayang market ay sapat na liquid at hindi madaling manipulahin, bukod pa sa ibang requirement.

Bagong prosesong crypto ETF na compliant, halos garantisado na maaprubahan

Ang pagsusuri ay maaaring tumagal nang hanggang 240 araw, at walang garantiya na maaprubahan ito.

Ayon kay Hougan, sa ilalim ng bagong proseso na ginagawa ng SEC, ang mga aplikasyon ay halos garantisado na maaaprubahan kung makakatugon ang mga ito sa tumpak na recquirement. Aniya pa, “Mabilis din ito: Maaaprubahan ang mga aplikasyon sa loob lamang ng 75 na araw o mas maikli pa.”

Samantala, sinabi ng mga analyst ng Bitfinex noong Agosto 26 na ang mga altcoin ay posibleng hindi makaranas ng malawakan at matinding rally hangga't hindi pa naaaprubahan ang mga crypto ETF na magbibigay sa mga investor ng exposure sa mas mapanganib na bahagi ng risk curve.