Sa loob ng mahigit isang dekada, itinuring ng mga kritiko ang crypto na isang simpleng haka-haka. Ngunit patuloy itong sinusubok ng mga panahon ng krisis, at sa maraming pagkakataon, umayon ang Bitcoin sa mga lugar kung saan nabigo ang tradisyonal na sistema.

Sa isang episode ng Clear Crypto Podcast, na hatid sa inyo ng StarkWare at Cointelegraph, aalamin natin kung paano nagagamit ang Bitcoin sa tunay na mundo at bakit ang regulasyon sa US ay maaaring maging susi sa tagumpay o pagkabigo ng industriya.

Mga gamit sa tunay na buhay

Noong 2013, nang bantaan ng EU bailout na itulak ang Cyprus palabas ng euro, nagsimulang maghanap ang mga ordinaryong mamamayan ng mga alternatibo. 'Sinimulan ng mga tao sa Cyprus na bilhin ang Bitcoin bilang isang ligtas na kanlungan noong panahong iyon,' sabi ni Perianne Boring, ang tagapagtatag at chair ng Digital Chamber.

“Para sa akin, doon natin talagang nakita ang tunay na gamit ng Bitcoin bilang alternatibo sa mga fiat currency.”

Isa pang kapansin-pansing halimbawa ang nagmula sa Afghanistan, kung saan hinarap ng mga kababaihan ang mga batas na humahadlang sa kanila na magbukas ng bank account. Ang 'coding school' ni Roya Mahboob ay gumamit ng Bitcoin bilang solusyon.

Base sa paliwanag ni Boring, "Walang batas na nagsasabing hindi maaaring magkaroon ng Bitcoin wallet ang mga babae. Kaya naisip niya, subukan na rin natin ito." Pagkalipas ng ilang taon, nang muling makuha ng Taliban ang kapangyarihan, nakatakas ang mga babaeng iyon nang buo ang kanilang naipon.

“Nadala nila ang kanilang Bitcoin... at ngayon, kaya na nilang magsimulang muli sa buhay gamit ang mga naipong pondo at yaman na kanilang pinaghirapan.”

Ang mga kuwentong ito ay mahalagang halimbawa kung bakit mahalaga ang crypto lampas sa mga haka-hakang market at kung bakit kailangan na ng malinaw na regulasyon. Gayunpaman, kung saan may tunay na gamit sa mundo, kadalasang kasama nito ang mga regulasyon sa tunay na mundo.

Mga regulasyon sa tunay na buhay

Sa Washington, ang paghihigpit sa mga 'exchange' at 'token' noong panahon ni Biden ay nagbigay-daan sa isang bagong pananaw sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Donald Trump. Sa paghalili ni Paul Atkins kay Gary Gensler bilang SEC chair, nahaharap ngayon ang ahensiya sa pagpilit na linawin kung aling mga 'asset' ang sakop ng kanilang hurisdiksyon.

“Hindi dapat ang SEC ang pangunahing regulator para sa mga cryptocurrency. Karamihan sa mga cryptocurrency ay mga kalakal at dapat ay i-regulate ang mga ito ng CFTC,” sabi ni Boring.

Para sa mga developer, investor, at mambabatas, malaki ang nakataya. Ang malinaw na panuntunan ay makatutulong sa US na makipagsabayan sa buong mundo, samantalang ang patuloy na kawalan ng katiyakan ay maaaring magtulak sa inobasyon papalayo.

Ayon kay Boring:

“Ang pagkakaroon ng mga batas at regulasyon na nagbibigay-daan sa mga kompanya na bumuo nang may kalinawan... ay talagang mahalaga para maipalaganap ang teknolohiyang ito at maging accessible sa lahat.”

Para mapakinggan ang buong usapan sa Clear Crypto Podcast, pakinggan ang kumpletong episode sa Podcast page ng Cointelegraph, Apple Podcasts o Spotify. At huwag kalimutang silipin din ang iba pang palabas ng Cointelegraph!