Ayon kay Coinbase CEO Brian Armstrong, malaki ang tiyansa na maipasa ang kritikal na batas para isulong ang crypto sa US, matapos niyang masaksihan noong nakaraang linggo ang matinding suporta ng magkabilang partido para sa crypto market structure bill.

Nilalayon ng Digital Asset Market Clarity Act na linawin ang mga tungkulin ng Securities and Exchange Commission (SEC), Commodity Futures Trading Commission (CFTC), at iba pang financial agencies na nagre-regulate sa crypto market, lalo na sa mga non-stablecoins tulad ng tokenized stocks.

Matapos makipagpulong sa mga mambabatas nitong mga nakaraang araw, sinabi ni Coinbase CEO Brian Armstrong: “Ito ang paraan para masigurado natin na ang crypto industry ay mabubuo dito sa Amerika, na magtutulak ng inobasyon, magpoprotekta sa mga consumer, at sisiguraduhin na hindi na tayo magkakaroon ng isa pang Gary Gensler na susubukang kunin ang inyong mga karapatan.”

“Lubos na sinusuportahan ng Senate ang pagpasa nito; ang mga member na nakilala ko mula sa magkabilang panig ay handa nang ipasa ang batas na ito,” dagdag ni Armstrong sa isang video na naka-post sa X, at binanggit na ang draft bill ay kasalukuyang ipinagpapalitan pa bago ito ipadala sa mga industry participants para sa public input.

“Sa tingin ko, malaki ang chance na maipasa ito, sa totoo lang, wala pa akong naging ganito ka-bullish na maipapasa ang market structure, para itong isang freight train na umaalis na sa istasyon.”

Hinulaan ni Senator Cynthia Lummis noong nakaraang buwan na ang CLARITY Act ay makakarating sa desk ni President Donald Trump para pirmahan bago matapos ang taon.

Kabilang din sa mga crypto representatives na dumalo, ayon sa ulat, ang mga executive mula sa Ripple, Kraken, Circle, Cardano at mga tech-focused venture capital firms na a16z, Paradigm, at Multicoin Capital.

Dapat unahin ng batas ang proteksiyon sa mga builders: Kraken Boss

Sinabi ni Kraken CEO Arjun Sethi na ang kanyang mga kontribusyon sa roundtable discussion ay nakatuon sa kung paano susuportahan ng market structure bill ang mga crypto product at service sa paraang magbebenepisyo sa mga builder nito bilang isang prayoridad.

“Salamat sa lahat ng nasa DC na lumalaban para sa kinabukasan ng crypto. Ngunit ang tunay na laban ay mas malaki: ang protektahan ang karapatang gumawa ng mga protocol, chain, meme, tokenized equity, commodity, utility, at iba pa, at tiyaking mananatili ang mga incentive sa mga builder, at hindi lang sa mga incumbent.”

Idinagdag din ni Armstrong na hindi papayagan ng mga mambabatas ang tangkang pagba-ban ng banking industry sa interest mula sa stablecoins. Noong kalagitnaan ng Agosto, nagbabala ang ilang banking groups na maaaring maging banta ang mga yield-bearing stablecoins sa tradisyonal na banking model, na umaasa sa pag-akit ng mga deposits sa pamamagitan ng high-interest savings products para may pondo sa pagpapahiram.

Sinubukan na ng mga banking groups na i-ban ang interest sa stablecoins sa GENIUS Act, ngunit hindi sila nagtagumpay, ayon kay Armstrong.

Lumalakas din ang suporta para sa bitcoin reserve bill

Mukhang naging productive ang nakaraang linggo sa Capitol Hill.

Nakipagpulong din ang mga mambabatas ng US noong nakaraang Lunes sa 18 Bitcoin leaders, kasama si Strategy chairman Michael Saylor, upang talakayin kung paano isusulong ng Congress ang Strategic Bitcoin Reserve ng administrasyon ni President Donald Trump.

Nagbigay ng mga ideya si Saylor at ang kanyang mga kasama (peers) kung paano maipapasa ang BITCOIN Act na inisponsor ni Cynthia Lummis, at kung paanong ang gobyerno ng US ay makakakuha ng isang milyong Bitcoin sa loob ng limang taon sa pamamagitan ng mga budget-neutral strategy.

Kabilang sa mga budget-neutral strategy na naipanukala sa ngayon ay ang muling pag-aaral sa mga gold certificates ng Treasury at tariff revenue.