Inaasahang hahawakan ng mga stablecoin at tokenized security ang sampung porsyento ng global post-trade market turnover sa loob ng wala pang limang taon, ayon sa isang survey ng Citi.

Sa isang ulat na pinamagatang Securities Services Evolution na inilabas noong Setyembre 2, sinabi ng investment bank na ang mga stablecoin na inilabas ng mga bangko ay tinitingnan bilang pangunahing paraan para suportahan ang collateral efficiency, fund tokenization, at mga private market security.

Ayon sa ulat, mahigit 537 na kompanya, kasama ang mga custodian, bangko, broker-dealer, asset manager, at mga institutional investor mula sa Amerika, Europa, Asia Pacific, at Middle East ang sumali sa survey noong Hunyo at Hulyo. Mahigit kalahati sa kanila ang nagsabing nagsasagawa na ang kanilang mga kompanya ng mga pilot project gamit ang generative artificial intelligence (GenAI) para sa mga post-trade na proseso.

Tinitiyak ng post-trade market na ang mga transaksyon sa seguridad ay nabe-beripika, naisasagawa, at nako-kompleto. Sumabay ito sa pagkahilig ng Wall Street sa mga stablecoin matapos magpasa ng batas ang Estados Unidos ngayong taon na nagre-regulate sa mga token.

Industriya ng crypto, malapit na sa tipping point

Sa isang ulat ng Citi, sinabi nilang mula noong 2021, ang paggamit ng mga digital asset ay umusad mula sa paunang pagsubok tungo sa mas seryosong pagpapatupad. At kahit na malinaw ang pag-usad, hindi pa raw naabot ng industriya ang tipping point, ngunit inaasahan ng bangko na nakakapanabik na malapit na ito.

“Matapos ang ilang taong paghahanda, handa na ang global na post-trade industry para sa isang panahon ng pagbabago sa bilis, gastos, at katatagan sa isang pandaigdigang saklaw."

Ayon sa mga tumugon sa survey, ang liquidity at post-trade cost efficiencies ang mga pangunahing dahilan kung bakit namumuhunan sila sa digital ledger technology (DLT). Karamihan sa kanila ay nagsabing malaki ang magiging epekto ng blockchain sa mga bahaging ito sa susunod na tatlong taon.

“Mahigit kalahati ng mga tumugon sa survey ang mas kumbinsido kaysa dati na ang kakayahan ng DLT (digital ledger technology) na pabilisin ang paggalaw ng mga security sa mga capital market sa buong mundo ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa kanilang mga funding cost, pangangailangan sa pinansyal na resources, at mga operating cost bago matapos ang 2028”, ayon sa Citi.

Inaasahan ng ilang bansa na dadami ang transaksyon gamit ang crypto

Ang pag-asa para sa paglago ng mga digital asset ay mas mataas sa Estados Unidos, kung saan inaasahang 14% ng kabuuang market turnover ang isasagawa gamit ang mga digital o tokenized asset pagdating ng 2030. Mas mataas ito kumpara sa 10% ng Europa at 9% ng Asia Pacific.

Cryptocurrencies, Technology, Citi, Data, Tokenization
Mga US market inaasahang magkakaroon ng pinakamataas na porsyento ng mga market turnover na gagamit ng mga tokenized security. Source: Citi

Ayon sa Citi, ang pananaw ng mga Amerikano sa 2025 ay naging isang kapansin-pansing pag-unlad ngayong taon, na pinalakas ng mga pagbabago sa regulasyon tulad ng GENIUS Act, na nilagdaan bilang batas ni Pangulong Donald Trump noong Hulyo.

Ang pamumuno ng malalaking kompanya tulad ng stablecoin issuer Circle at asset manager BlackRock, at iba pang institusyon sa pagpapalawak ng digital liquidity ay nagtulak din sa pagbabago ng pananaw.

GenAI, inaasahang gaganap din ng mahalagang papel

Inaasahan ding gaganap ng mahalagang papel ang GenAI sa post-trade market, kung saan 57% ng mga sumagot sa survey ang nagsabing ginagamit na ng kanilang mga organisasyon ang teknolohiya para sa mga post-trade operation.

Ayon sa survey, nasa 67% ng mga institutional investor ang nagsabing ginagamit na nila ang GenAI para sa post-trade reconciliation, reporting, clearing, at mga settlement.

Mahigit kalahati ng mga sumagot sa survey ang nagsabing ginagamit na ng kanilang mga organisasyon ang GenAI para sa mga post-trade. Source: Citi

Gumagamit ang Generative artificial intelligence ng mga generative model para makalikha ng mga teksto, larawan, video, at iba pang anyo ng datos.

Gayunpaman, sa kasalukuyan, ang pinakamalaking bilang ng mga sumagot sa survey ay nagsabing ginagamit na ng kanilang mga kompanya ang GenAI para sa onboarding. Ayon sa kanila, ginagamit ito ng 83% ng mga broker, 63% ng mga custodian, at 60% ng mga asset manager upang makalikha ng makabuluhang epekto.

“Sa isang mundo kung saan ang mas mabilis at mas maayos na onboarding ay nangangahulugang pera, ang paggamit na ito ay perpektong panimula at pagkakataon upang pagdugtungin ang agwat sa pagitan ng mga retail at institutional client,” ayon sa Citi.