Sinabi ni Swan Bitcoin CEO Cory Klippsten na ang price volatility ng Bitcoin ay posibleng hindi pa tapos matapos saglit na bumagsak ang cryptocurrency sa $102,000 noong nakaraang buwan, kasunod ng anunsyo ni US President Donald Trump ng 100% na taripa sa mga import ng China.

“Kung magtatagal ang malawakang risk-off mood, ang Bitcoin ay maaaring mahila ng kaunti bago ito makahanap ng suporta at magsimulang mag-decouple muli,” pahayag ni Klippsten sa Cointelegraph.

Sinabi ni Klippsten na dapat asahan ng mga Bitcoiner ang ilang turbulence sa mga darating na araw. “Ang mga pagbaba na dulot ng macro tulad nito ay karaniwang naglilinis sa mga leveraged trader at mga may mahihinang loob, at pagkatapos ay nire-reset ang posisyon para sa susunod na pagtaas,” sabi ni Klippsten.

$8 bilyon nawala sa crypto market

Sa nakalipas na buwan, humigit-kumulang $2.19 bilyon sa mga long position ng Bitcoin (BTC) ang na-liquidate, na nag-ambag sa kabuoang $8.02 bilyon sa mga long liquidation sa mas malawak na crypto market, ayon sa CoinGlass.

“May kaunting panic tayo sa market ngayon, klasikong macro whiplash. Nagpapalitan ng banta sa taripa sina Trump at China, bumaba ang mga equity, at nagmamadali ang mga trader na mag-derisk,” dagdag ni Klippsten.

Sinabi ni Ray Salmond, pinuno ng market ng Cointelegraph, na ang mga leveraged trader ay “lubos na nabigla” dahil ang anunsyo ni Trump sa taripa ay “nagpadala ng shockwaves sa buong crypto market.”

Bahagyang nakabawi ang Bitcoin, na nagte-trade sa halagang $113,270 noong oras ng paglalathala. Source: CoinMarketCap

Ipinaliwanag ni Salmond na ang price dislocation ng Bitcoin sa pagitan ng crypto exchange na Coinbase, kung saan ang BTC/USD pair ay bumagsak sa $107,000 at ng crypto exchange na Binance perpetual futures, kung saan nag-crash ang BTC/USDT pair sa $102,000, ay “tunay na nagpapakita ng tindi ng cascading liquidations at kung paanong lubos na nabura ang mga stop.”

Itinuro ni Salmond ang liquidation heatmap data mula sa Hyblock, na nagpapakita na “literal na nasipsip ang lahat ng downside long liquidity, at may nananatiling liquidation cluster mula $102,000 hanggang $97,000.”

Ang liquidation heatmap ng Bitcoin, 7-araw na balik-tanaw. Source Hyblock

Hindi ito ang unang pagkakataon na bumagsak nang matindi ang Bitcoin matapos ang isang anunsyo ng taripa ni Trump. Noong Abril, nagdulot ng shockwaves sa mga crypto market at nagpasiklab ng pangamba sa recession ang unang mga anunsyo ng taripa ni Trump.

Noong Pebrero 1, nang lagdaan ni Trump ang isang executive order upang magpataw ng import tariffs sa mga produkto mula China, Canada, at Mexico, bumagsak ang Bitcoin sa ibaba ng $100,000.

Mga Bitcoin analyst, nananatiling optimistic

Sinasabi ng ilang Bitcoin analyst na ang pinakahuling pagbagsak ng presyo ay maaaring magbigay ng buying opportunity.

Sinabi ni Juan Leon, senior investment strategist ng Bitwise Invest, sa isang post sa X na “ang pinakamagandang oras para bumili ng BTC ay madalas kapag hinihila ito pababa ng mas malawak na mga market.”

Samantala, pinaalalahanan ni Matt Hougan, chief investment officer ng Bitwise Invest, ang kanyang 85,900 na follower sa X tungkol sa karaniwang pattern sa mga kalahok sa market: Marami ang nagsasabing bibili sila ng Bitcoin sa panahon ng pagbaba ng presyo, ngunit nag-aatubili kapag nangyari na ito dahil “hindi ‘maganda ang pakiramdam’ ng market sa puntong iyon.”

“Hindi kailanman maganda ang pakiramdam kapag bumili ka sa dip. Dumarating ang dip kapag bumaba ang sentiment. Ang pagsulat ng numero ay maaaring maging isang magandang anyo ng disiplina,” sabi ni Hougan.