Ang price chart ng Bitcoin ay nagsimula nang magpakita ng mga pagkakahawig sa market ng soybean noong humigit-kumulang 50 taon na ang nakakaraan. Naobserbahan sa soybean ang pag-abot sa pinakamataas na presyo bago ito bumagsak ng 50% nang nagsimulang mas lumaki ang global supply kaysa sa demand, ayon sa babala ng veteran trader na si Peter Brandt.
Gayunpaman, ang iba pang analyst ng Bitcoin (BTC) ay kumpiyansa na ang mga chart ay nagpapahiwatig ng pagtaas pa ng presyo.
"Ang Bitcoin ay bumubuo ng isang pambihirang broadening top sa mga chart. Ang pattern na ito ay kilala sa pagpapakita ng pinakamataas na presyo," sabi ni Brandt sa Cointelegraph.
"Noong dekada 1970s, ang Soybeans ay bumuo ng ganoong klaseng top, at pagkatapos ay bumaba ng 50% ang halaga," dagdag pa ni Brandt.
Nagbabala si Brandt na kung maulit ang kasaysayan, hindi lang ang Bitcoin ang maaapektuhan nito, kundi maging ang kompanya ni Michael Saylor na MicroStrategy ay maiiwan sa kalagayang "underwater".
Ang presyo ng stock ng MicroStrategy (MSTR) ay bumaba na ng 10.13% sa nakalipas na 30 araw. Ito ay nangyayari habang ang mga corporate Bitcoin treasury ay humaharap sa tumitinding pressure mula sa matalim na pagbaba ng net asset values (NAV).
"Final thrust" ng Bitcoin, posibleng hindi na dumating
Nagbabala pa si Brandt na ang malaking pag-angat ng Bitcoin na hinihintay ng crypto community ay posibleng hindi na mangyari. Sa halip, maaaring magtungo ang Bitcoin sa bear levels na aabot sa mababang presyo na $60,000.
Karamihan sa mga analyst, gayunpaman, ay naniniwala na ang Bitcoin ay mayroon pang isang malaking rally na natitira sa siklo na ito. Ang paggalaw na ito ay maaaring magtulak sa presyo ng Bitcoin nang kasing taas ng $250,000, ayon sa mga kalahok sa industriya tulad ni Arthur Hayes, co-founder ng BitMEX.
Ang ikaapat na quarter ay kinikilalang pinakamalakas na quarter para sa Bitcoin sa kasaysayan, na may average return na 78.49%, ayon sa CoinGlass.
Ang buwan ng Oktubre ay nakikita rin bilang isang malakas na buwan para sa Bitcoin.
Gayunpaman, pumasok sa downtrend ang sentimyento matapos ang kamakailang pagbabanta ni US President Donald Trump tungkol sa mga taripa. Nagdulot ito ng mas malawak na paghina ng market kasunod ng pag-abot nito sa record highs, na nag-iwan sa mga analyst na maging mas maingat.
Sentimyento ng crypto,bumagsak sa "Extreme Fear"
Sa buwan na dapat sana ay bullish para sa crypto, ang Crypto Fear & Greed Index ay nagtala ng score na 25, na nangangahulugang "Extreme Fear", sa pag-update nito noong Oktubre 22.
Sinabi ng trading account na AlphaBTC sa X na ang Bitcoin ay "talagang kailangang manatili dito, panatilihin ang kamakailang mas mataas na lows at magkaroon ng isa pang pagtatangka sa monthly open kung saan ito tinanggihan kahapon."
Gayunpaman, hindi lahat ng analyst ay negatibo.
Ayon kay David Hernandez, crypto investment specialist ng 21Shares, ang "opportunity window" ng Bitcoin ay maaaring mabilis na magbukas muli para sa posibleng pagtaas ng presyo kung ang US Consumer Price Index (CPI) ay magpakita ng anumang senyales ng pagluluwag o ang "pagpapatuloy ng naratibo ng malinis na disinflation." Dagdag pa niya:
"Ang Bitcoin ay nakahanda at handang tumalon paakyat.”
Samantala, itinuro ni Michaël van de Poppe, founder ng MN Trading Capital, ang kamakailang 5.5% na pagbaba ng gold mula sa pinakamataas nitong presyo, bilang senyales na ang "rotation" papunta sa Bitcoin at mga altcoin ay maaaring nagsisimula na.
