Mga Pangunahing Punto:
Magiging “mas mataas nang husto” ang Bitcoin sa 2028, ayon kay Arthur Hayes, ngunit ang presyo na $3.4 milyon bawat coin ay masyadong “bullish”.
Ang pagtaas ng presyo ng BTC mula sa paglago ng credit ay maaaring hindi na katulad ng mga nakaraang pagganap.
Bumalik na ang pag-imprenta ng pera ng US sa ilalim ng administrasyon ni Trump, na nagbubukas ng daan para sa paglawak ng presyo ng BTC.
Aabot sa presyong “mas mataas nang husto” kaysa sa kasalukuyang $113,000 ang Bitcoin (BTC) pagdating ng 2028, ayon kay dating BitMEX CEO Arthur Hayes.
Sa kaniyang pinakabagong blog post na may titulong, “Four, Seven,” na inilabas noong Setyembre 23, nakikita ni Hayes na ang pag-imprenta ng pera ang magdadala sa presyo ng BTC sa mga bagong record na taas.
Presyo ng BTC, nakita ni Hayes na tataas nang husto
Ang pag-imprenta ng pera ng US sa ilalim ng administrasyon ni President Donald Trump ang siyang magpapalipad sa presyo ng Bitcoin papunta sa stratosphere sa loob lamang ng tatlong taon, ayon kay Hayes.
Layunin ni Trump na “mapanatili ang mga bunga ng ipinapalagay na imperyo para sa naghaharing uri,” isang bagay na sinubukan na ng mga nagdaang pangulo ng US bago siya.
“Ngayon, ang isa pang digmaan laban sa isang mas nagkakaisa, mas masagana, at mas malakas sa militar na Eurasia (Russia, China, India, at Iran) ay nangangailangan ng matinding pagbabago sa credit allocation,” dagdag ni Hayes.
“Kaya naman, ipinapahayag ko nang may labis na kumpiyansa tungkol sa pag-imprenta ng pera, hindi naglalaro ang mga ‘yan”
Para magawa ito, kailangang makuha ni Trump ang impluwensiya sa Federal Reserve. Ang mga ilalagay niyang tao ang magtutulak sa patakaran sa pananalapi tungo sa pag-imprenta ng pera sa pamamagitan ng potensyal na kasunduan sa US Treasury. Ang kasalukuyang gulo na kinasasangkutan ni Lisa Cook, ang governor ng Fed na itinalaga ng nakaraang administrasyon, ay simula pa lamang.
“Ang punto rito, huwag magduda na gagamitin ng grupo ni Trump ang lahat ng paraan upang mag-imprenta ng pera na kailangan para sa pagbabagong ito ng Amerika,” patuloy ng nasabing post.
Tiningnan pa ni Hayes kung paano posibleng mag-react ang Bitcoin. Bagama't halos imposible na tantyahin ang aktwal na presyo, ang mga nakaraang karanasan ay nagpapahiwatig ng malaking pagbabago sa presyo ng BTC.
"Ang slope ng pagtaas ng porsyento ng Bitcoin kumpara sa isang dolyar ng paglago ng credit ay nasa 0.19," sabi niya. "Mga Ginang at Ginoo, ang resulta niyan ay isang prediksyon na $3.4 milyon ang presyo ng Bitcoin sa 2028!" kuwenta niya.
“Sa tingin ko ba ay aangat ang Bitcoin sa $3.4 milyon pagsapit ng 2028? Hindi, ngunit naniniwala ako na ang bilang ay magiging "mas mataas nang husto" kumpara sa humigit-kumulang $115,000 na presyo nito ngayon.”
Gaano kataas ang itinuturing na "sobrang taas" para sa Bitcoin?
Hindi na bago kay Hayes ang pagtatakda ng mga target sa presyo ng BTC, kung saan ang mga forecast na umaabot sa milyon ay naging karaniwang bahagi na ng kaniyang mga pagninilay tungkol sa kinabukasan ng ekonomiya ng mundo.
Noong Marso, matapos bigyan ng patawag ni Trump, una nang tiningnan ni Hayes ang presyong aabot sa $1 milyon pagsapit 2028 dahil sa mga kontrol sa kapital sa internasyonal at pag-uwi ng yaman mula sa ibang bansa.
Noong nakaraang linggo, bukod sa pag-uulit ng $1 milyon na forecast sa X, itinuro ni Hayes ang mga kondisyon ng Treasury liquidity bilang dahilan upang asahan ang malawakang pag-angat ng presyo sa mga crypto market.
Ngunit hindi lahat ay sumang-ayon. Tinawag ni Andre Dragosch, ang European head of research sa crypto asset manager na Bitwise, ang argumento tungkol sa liquidity bilang isang “useless banana.”
Ayon sa patuloy na ulat ng Cointelegraph, nananatiling mataas ang inaasahan ng market para sa mas madaling kondisyon sa pananalapi, kung saan inaasahang magbabawas muli ng interest rates ang Fed sa meeting nito ngayong Oktubre.
Ang artikulong ito ay hindi naglalaman ng payo o rekomendasyon sa pamumuhunan. Ang bawat desisyon sa pamumuhunan at pag- trade ay may kaakibat na panganib, at dapat magsagawa ang mga mambabasa ng sarili nilang pananaliksik bago gumawa ng anumang desisyon.