Mga Pangunahing Punto:
Ipinahihiwatig ng datos ng Glassnode na ang mga metric ng profit-taking ng Bitcoin ay nagpapahiwatig ng signal na nasa huling bahagi na ng bull market cycle.
Huminga ang pagpasok ng kapital sa Bitcoin, at nag-peak ang malaking profit-taking mula nang umabot ang BTC sa $124,000. Gayunpaman, maaaring dumating ang isang bagong all-time high sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan.
Ang mga bago at short-term holders ay patuloy na nag-a-accumulate, na bumabawi sa sell pressure.
Ayon sa analytics platform na Glassnode, ang Bitcoin (BTC) ay nakapasok na sa isang “historically late phase” ng market cycle nito. Ang mga metric ng profit-taking at ang pagdaloy ng kapital ay nagpapakita ng pagkakatulad sa mga senyales mula sa mga nakaraang rurok ng cycle.
Ipinahihiwatig ng datos na ang kasalukuyang cycle ng Bitcoin ay may pagkakapareho sa mga run noong 2015–2018 at 2018–2022. Sa mga cycle na iyon, naabot ang mga all-time high (ATHs) humigit-kumulang dalawa hanggang tatlong buwan pagkatapos ng kasalukuyang yugto.
Tinalakay ng kompanya na ang circulating supply ng Bitcoin ay umabot na sa 273 magkakasunod na araw sa itaas ng +1 standard deviation profit band. Ito ay ikalawa lamang sa 335-araw na streak na nakita noong cycle ng 2015–2018. Samantala, mas marami nang na-realize na kita ang mga long-term holder (LTHs) kumpara sa lahat ng nakaraang cycle, maliban sa isa. Ito ay hudyat na tumitindi ang sell-side pressure.
“Pinatitibay ng mga senyales na ito ang pananaw na ang kasalukuyang cycle ay matatag na nasa makasaysayang huling yugto nito,” ayon sa Glassnode sa lingguhan nitong report. Gayunpaman, binanggit din nito na sa mga nakaraang cycle, ang ganitong mga kondisyon ay madalas na sinusundan ng mga bagong all-time highs sa loob lamang ng ilang buwan.
Bumaba ang Bitcoin nang halos 9% mula nang umabot ito sa $124,000, at kasabay ng pagbaba ay ang paghina ng pagpasok ng kapital. Ang paglago ng realized cap ng BTC ay umabot lamang sa 6% bawat buwan nitong mga nakaraang linggo. Ito ay malaking kaibahan sa 13% na naitala noong breakout sa $100,000 noong huling bahagi ng 2024.
Bumaba rin ang mga dami ng profit-taking. Napansin ng Glassnode na sa pinakahuling pagtatangka na makamit ang ATH, ang naitalang realized profit-taking ay bumagsak nang mas mababa kaysa sa mga spike na nakita noong umabot ang presyo sa $70,000, $100,000, at $122,000. Sa kabila nito, ang naitalang pagkalugi ay nananatiling katamtaman lamang sa $112 milyon bawat araw, na pasok pa rin sa karaniwang antas para sa mga local correction.
Maliwanag ang demand para sa Bitcoin, ngunit mailap ang mga bagong high
Sa kabila ng profit-taking pressure, ipinahihiwatig ng datos ng CryptoQuant ang panibagong demand. Ang pinakabatang cohort ng mga Bitcoin holder (mga wallet na wala pang isang buwan) ay nag-net positive, kung saan ang supply na hawak ng grupong ito ay tumaas nang 73,702 BTC noong Setyembre.
Ang mga short-term holders (STHs) ay agresibo ring nagdaragdag, at nakapag- accumulate ng 159,098 BTC. Ang bagong kapital na ito ay sumasalo sa mga coin na ipinamahagi ng mga long-term holders (LTHs), isang dynamic na madalas makita sa mga nagpapatuloy na bull market.
Gayunpaman, nagbabala ang onchain insights mula sa Santiment laban sa pag-asa ng agarang pag-angat. Ang pagkasabik ng mga retail trader na mag “buy the dip” ay kadalasang nauuna sa karagdagang pagbaba ng presyo, habang ang mga short position ay nananatiling hindi sapat upang magbunsod ng malaking short squeeze.
Ang market sentiment ay naging mas negatibo mula nang bumaba ang Bitcoin sa $114,000, ngunit napansin ng mga analyst na hindi pa umaabot sa capitulation ang lebel ng takot.
Kasabay nito, patuloy na nag-a-accumulate ang mga whales. Ang mga wallet na may hawak na 10 hanggang 10,000 BTC ay nakapagdagdag ng mahigit 56,000 coin mula noong huling bahagi ng Agosto. Bumaba rin ang exchange balances nang mahigit 31,000 BTC nitong nakaraang buwan, na nagpapagaan sa near-term selling pressure.
Ang artikulong ito ay walang nilalamang payo sa pamumuhunan (investment advice) o mga rekomendasyon. Ang bawat investment at trading move ay may kaakibat na panganib, at ang mga mambabasa ay dapat magsagawa ng sarili nilang pananaliksik bago gumawa ng anumang desisyon.