Ayon sa isang ekonomista, posibleng minamaliit ng mga kalahok sa crypto market ang pagiging agresibo ng US Federal Reserve sa pagbabago ng direksyon ng kanilang patakaran.

“Hindi tinataya nang tama ng mga market ang posibilidad ng mabilis na pagbaba ng interest rate sa mga darating na buwan mula sa panig ng Federal Reserve,” pahayag ng economist na si Timothy Peterson sa Cointelegraph noong Setyembre 19.

“Wala pang nangyari na unti-unting pagbaba ng rates na gaya ng kasalukuyang naiisip ng Fed,” paliwanag ni Peterson, at idinagdag niyang inaasahan niya na "biglang aatake ang surprise effect" at posibleng hindi maging handa ang market.

“Bigla tataas nang malaki ang Bitcoin at iba pang alts, at sa tingin ko, mangyayari ito sa susunod na 3 hanggang 9 na buwan.”

Ang mga komento ni Peterson ay lumabas ilang araw lang matapos ipatupad ng Fed ang una nitong rate cut para sa 2025 noong Setyembre 17, kung saan binawasan ito ng 25 basis points. Malawak nang inaasahan ang pagbawas na ito; ipinapakita ng CME FedWatch Tool ang 96% na posibilidad para sa quarter-point cut at 4% lang na pagkakataon para sa 50-point reduction bago ang anunsyo.

Inaasahan ng market ang isa pang rate cut ngayong Oktubre

Sandaling umakyat ang Bitcoin (BTC) sa $117,000 ilang oras bago ang anunsyo ng Fed tungkol sa rate cut, ngunit bumaba itong muli sa mga lebel na nakita noong mga nakaraang araw. Nag-trade ito sa $115,570 sa oras ng publikasyon, ayon sa CoinMarketCap.

Tumaas ng 1.03% ang Bitcoin nitong nakalipas na 30 araw. Source: CoinMarketCap

Ipinapakita ng datos mula sa CME na ang mga kalahok sa market ay tumitingin sa 91.9% na posibilidad ng isa pang pagbawas ng 25 basis point sa interest rate sa pulong sa darating na Oktubre 29. Sa kabilang banda, 8.1% lamang ang probabilidad na mananatiling hindi magbabago ang rates.

Sinabi ng mga opisyal ng Fed na inaasahan nilang magkakaroon pa ng dalawang beses na pagbawas ng quarter-point rate ngayong taon. Gayunpaman, binigyang-diin ni Fed Chair Jerome Powell na, “Wala tayong nakatakdang daanan.”

Hati ang opinyon ng mga financial institutions tungkol sa desisyon ng Fed noong Setyembre

May ilang financial institutions na umasa ng mas agresibong pagbawas sa interest rate noong pulong ng Setyembre. Halimbawa, hinulaan ng Standard Chartered ang 50 basis point na pagbawas.

Gayunpaman, mas kumpiyansa si Goldman Sachs CEO David Solomon na mananatili ang Fed sa 25 basis point na cut.

Ang pagpapababa ng interest rates ay karaniwang nagiging bullish (positibo) para sa mga risk-on assets, kasama na ang mga cryptocurrency, dahil ang mga tradisyonal na pamumuhunan tulad ng bonds at term deposits ay hindi na kaakit-akit para sa mga investor.