Mga pangunahing punto:

  • Ang Bitcoin at mga altcoin ay naiiwan sa pag-abot ng mga bagong all-time high kumpara sa ginto at stocks.

  • Iminumungkahi ng pananaliksik na ang mga liquidity pattern ang bahagyang dahilan, dahil nagwi-withdraw ng mga stablecoin ang mga trader.

  • Ipinapakita ng kasaysayan na ang mga tradisyonal na risk assets ay kailangang "cool” muna bago magkaroon ng malaking pagtaas ang crypto.

Ang Bitcoin (BTC) ay bumababa habang ang mga crypto market ay hindi nakakakopya sa ginto at stocks. Tapos na ba ang bull market?

Nagbahagi ang onchain analytics platform na CryptoQuant ng apat na pangunahing dahilan kung bakit "pula" ngayon ang Bitcoin at mga altcoin — mga rate cut ng Fed, stablecoin reserves, mga leveraged trader, at mga historical norms.

Ang crypto ay nasa "huling bahagi pa rin ng liquidity pipeline"

Ang Bitcoin ay naipit kamakailan dahil ang mga liquidity game ay pumipigil sa mga bull na hamunin ang all-time highs.

Kasabay nito, ang ginto at mga stock market sa US ay patuloy na nagpo-post ng sunod-sunod na all-time highs, na nagdudulot ng pag-aalala na nabigo ang crypto na maging isang mainstream asset class.

Ngunit may ibang ideya ang contributor ng CryptoQuant na si XWIN Research Japan. Ayon sa kanila, ang crypto ay inuulit lamang ang historical patterns.

“Sa unang yugto ng rate cuts, ang institutional capital ay kadalasang unang lumilipat sa mga high-liquidity assets tulad ng equities at ginto,” sulat nila sa isa sa kanilang Quicktake blog post, na tumutukoy sa mga interest-rate cuts mula sa US Federal Reserve.

“Ang Crypto — lalo na ang mga altcoins — ay nasa huling bahagi ng liquidity pipeline, at nakikinabang lamang kapag lumawak ang risk appetite.”
Ang Crypto market cap vs gold one-day chart. Source: Cointelegraph/TradingView

Ikinumpara ni XWIN ang kasalukuyang market setup ng Bitcoin at ng pinakamalaking altcoin na Ether (ETH) sa setup noong nakaraang taon, at nakakita sila ng mga pangunahing pagkakatulad.

"Ang pattern ay sumasalamin sa 2024: isang front-run rally matapos ang rate cut ng Fed, na sinundan ng isang correction dahil nabigo ang liquidity na ganap na umikot sa crypto. Nang lumamig lamang ang tradisyonal na market, saka pa lang nakalamang sa performance ang BTC at ETH," dagdag nila.

Gaya ng iniulat ng Cointelegraph, matagal nang kilala na sinusundan ng Bitcoin ang pagtaas ng ginto pagkatapos ng ilang buwang pagkaantala.

"Lag at leap" ba ang relasyon ng Bitcoin vs. stocks?

Sa pagpapatuloy, itinuro ni XWIN ang stablecoin reserves bilang isa pang factor na lumilikha ng naantalang reaksyon sa risk-asset moonshot.

Umabot sa $308 bilyon ang overall stablecoin supply noong nakaraang buwan. Ngunit kasabay nito, mas maraming stablecoins ang umaalis sa exchanges kaysa sa pumapasok, na nagpapakita ng risk-off o profit-taking mentality sa hanay ng mga trader.

"Ang Liquidity ay nakaparada sa labas ng exchange — bridged, sidelined, o ginagamit sa private markets — sa halip na aktibong inilalabas upang bumili ng BTC o ETH," anila.

One-day Chart ng BTC/USDT kalakip ang datos ng exchange stablecoin (screenshot). Source: CryptoQuant

May mga katulad na isyu na nakaaapekto sa accumulation, dahil ipinakita ng data mula sa mga derivatives platform ang kagustuhan ng mga trader para sa “hedging at leverage strategies,” na isang klasikong tugon sa sideways market action.

"Iminumungkahi ng kasaysayan na ang Bitcoin ay may tendensiyang “maiwan, bago tumalon," pagtatapos ni XWIN.

“Kasunod ng mga ATHs sa equities, ang BTC ay may historical gain na +12% sa loob ng 30 araw at +35% sa loob ng 90 araw. Nanatili ang mga short-term headwinds — QT, Treasury liquidity absorption, at ang nalalapit na options expiry — ngunit pabor sa crypto ang structural setup kapag nakaabot na ang liquidity cycles.”
One-day Chart ng BTC/USD vs. S&P 500. Source: Cointelegraph/TradingView

Gaya ng iniulat ng Cointelegraph, ang pag-expire ng $22.6 bilyon na options ay makabuluhan, na posibleng makaapekto sa galaw ng presyo sa mga susunod na araw.

Ang artikulong ito ay walang nilalamang payo sa pamumuhunan o mga rekomendasyon. Ang bawat desisyon sa pamumuhunan at trading ay may kaakibat na panganib, at dapat magsagawa ang mga mambabasa ng sarili nilang pananaliksik bago magdesisyon.